Kumbinsido si Joshua “The Passion” Pacio na nanalo siya sa unang laban niya sa ngayong ONE Strawweight World Champion Yosuke “The Ninja” Saruta noong nagtapat sila nung Enero.

Pero ngayong paulit-ulit na binabalikan ni Pacio ang kanilang laban para maghanada sa rematch nila sa ONE: ROOTS OF HONOR ngayong Biyernes, Abril 12, ay naguumpisa na niyang maintindihan ang mga bagay na ginawa sana niya upang makuha ang boto ng mga hurado.

“I watched the fight over and over again, and I noticed that I could have done better. I was hesitant with my combinations, and I felt like it held me back,” sabi niya.

“If we’re going to look at it in the point system, I still feel like I won. But if you’re watching the bout, I understand how they feel that Saruta won — he kept moving forward and he was aggressive.”

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ito ang isang bagay na gustong marinig ng kanyang head coach na si Mark Sangiao.

Ang Team Lakay mastermind ay laging sinasabi sa kanila na matuto sila sa kanilang pagkatalo at ngayong tinatanggap na ni Pacio ang kanyang mga pagkakamali noon ay isang magandang senyales upang matalo niya si Saruta.

“That’s what I’ve been saying, he lacked the confidence in the first fight,” paliwanag ni Sangiao.

“He was always backpedaling. He was hesitant with what he wanted to throw, and that’s why he struggled. Now I believe Joshua is confident enough to bounce back and show what he can really do.”

Ang pagdadalawang isip ni Pacio ang nagpatalo sa kanyang noong una at naging pabor it okay Saruta upang ipakita sa mga hurado na mas magaling siyang mixed martial artist.

“I was clearly hesitant with my combination. I kept backing up, and that’s the reason why I did not get any momentum,” sabi niya.

“Now the plan is to be committed with my attack. Last time, I was caught off guard and I wasn’t able to throw what I wanted to. Now, I will stick with our game plan.”