PANAHON na ng kwarisma at para sa pamilya ng professional boxer na si Reberio Arizala, tunay na may himala.

ARIZALA: Babalik ako sa boxing!

ARIZALA: Babalik ako sa boxing!

Sa pinakabagong balita mula sa Japan, maayos na ang kalagayan at nakagagalaw na si Arizala matapos sumailalim sa maselang craniotomy (brain surgery) para maalis ang blood clot sa utak bunsod nang malalakas na suntok na tumama sa kanya sa kanyang KO loss sa Yokohama, Japan, nitong Marso 31.

Sa video na ipinalabas ni Japanese boxing man at Yokohama resident Kei Nidaira, miyembro ng kampo ni world champion Jerwin Ancajas, makikita ang paggalaw at mahinang pagsasalita ni Arizala.

“Salamat po sa mga dasal nyo at mabilis akong gumaling,” pahayag ni Arizala, nagtamo ng TKO sa ikaanim na round ng laban kontra Tsuyoshi Tameda.

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics

Matapos ang laban, dumaing ng pananakit ng ulo si Arizala bago nawalan ng malay. Kaagad siyang inasikaso ng paramedics at dinala sa Yokohama Minato Red Cross Hospital.

Ayon kay Nidaira, isang himala ang kanyang nasaksihan nang dumilat at magsalita si Arizala nang kanyang bisitahin sa ospital.

“April 7, he only spoke 1 word—Orange Juice. He has paralysis on his left arm and leg. His right side of body is normal but no power,” pahayag ni Nidaira.

“April 8, he started eating and drinking. He talked a lot and April 9, he asked me to turn on music. He drank lot of sports drinks. He used my smart phone to try video call to his friend by his right hand,” aniya.

“ T h e n n o n Wednesday,he suddenly moved actively on bed and his paralysis on left side body was gone from that day. He finished all foods served by breakfast, lunch and dinner. He finished 4 bottles of sports drinks 500ml from morning until night.”

Kaagad na ipinost sa Facebook ni Nidaira ang kaganapan at sa video, pinasalamatan din ng boxer ang pamunuan ng Games and Amusements Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

“Salamat chairman sa suporta , pahayag ni Arizala, huling lumaban bago ang Tameda fight noong 2015.

“Sana po makabalik na ako sa itaas ng ring p a r a mapalaban s a championship. Ito (boxing) ang first love ko at sabi nga first love never dies,” aniya.

Hindi naman payag dito si Mitra, ngunit ipinangako kay Arizala na bibigyan siya ng regular na trabaho para masuportahan ang pamilya.

“I will employ him at the GAB upon his return,” sambit ni Mitra.

-Nick Giongco