Mga laro sa Huwebes
(FEU-Diliman)
9 a.m. – UE vs DLSU (Men)
1:30 p.m. – NU vs UP (Men)
3:30 p.m. – AdU vs FEU (Men)
NANATILING walang talo sa second roundang Ateneo matapos iposte ang 2-0 paggapi sa National University sa UAAP Season 81 men's football tournament sa FEU-Diliman pitch noong Linggo ng hapon.
Umiskor sina Andreas Maniquis at Mark Nacional sa first half para patatagin sa pangingibabaw ang Blue Eagles.
Ang panalo, ang kanilang ika-4 na sunod na nagbigay sa kanila ng kabuuang 22 puntos.
Sa iba pang mga laro, nanaig ang defending champion University of the Philippines kontra University of Santo Tomas, 2-1, para sa ikatlong sunod nilang panalo habang nakabangon ang De La Salle mula sa dalawang sunod na kabiguan matapos talunin ang Adamson University,4-2.
Sa kabila ng kabiguan, nanatiling nasa ikatlong puwesto ang Tigers na may 17 puntos kasunod ng pumapangalawang Far Eastern University na may 18 puntos.
Nanatili ding tabla sa ika-4 na puwesto ang Fighting Maroons at Green Booters na may tig-16 puntos.Angat lamang ang una sa goal difference. Marivic Awitan