Broner, umamin sa ‘sexual misconduct’

LOS ANGELES (AP) – Pinatawan ng dalawang taong probation si International boxer Adrian Broner matapos umamin na guilty sa dalawang kaso bunsod ng puwersahang panghahalik sa babae sa isang Cleveland nightclub nitong Hunyo.

BRONER: Guilty sa sexual misconduct

BRONER: Guilty sa sexual misconduct

Nauna nang pinatawan ang 29-year-old na si Broner ng kasong sexual imposition at abduction na kapwa ‘felonies’. Nagdesisyon siya na umamin sa kasong assault and unlawful restraint na parehong may mababang kaso na misdemeanors.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

|Ipinag-utos din kay Broner na magbayad ng US$1,000 fine at US$4,200 para maibalik ang ipinambayad ng babaeng biktima sa kanyang lawyer at counseling.

Inakusahan si Broner nang sapilitang panghahalik sa babae sa Cleveland nightclub matapos ang Game 4 ng NBA Finals noong 2018. Ayon sa ulat, kinubabawan ni Broner ang babae at sapilitang hinalikan, Tinangka ng kasamang babae ng biktima na itulak si Broner, ngunit malakas umano ito. |Napilitan lamang itong tumigil mag magtangkang kunan ng larawan sa cellphone.

Kaagad na umalis ang dalawang biktima at agad na nagsumbong sa pulis.

Huling lumaban si Broner nitong Enero kung saan natalo siya kay Pinoy World Champion Manny Pacquiao.