HONG KONG – Naitala ng Philippine Volcanoes men’s rugby team ang impresibong 24-12 upset win laban sa premyadong Zimbabwe sa World Series Qualifiers nitong Sabado dito.

NAGHAHANAP ng mapapasahan si Timothy Alonso Berry, habang hinahabol ng depensa ng Zimbabwe players.

NAGHAHANAP ng mapapasahan si Timothy Alonso Berry, habang hinahabol ng depensa ng Zimbabwe players.

Ito ang unang pagkakataon sa ikalawang pagsagupa sa Hong Kong 7s tournament na makapagtala ng panalo ang Pinoy rugby seven. Unang nakaiskor ang Zimbabwe s aunang dalawang minuto ng laro, bago nakatabla ang Volcanoes sa 5-5 mula kay Justin Villazor Coveney.

Sinundan ni Filipino Winger Ryan Reyes Howe ang mainit na opensa para sa 10-5 abante. Sa second half, muling umarya ang Zimbabwe para agawin ang kalamangan sa 12-10. Ngunit, kagyat na bumuwelta ang Volcanoes at nagawang makaiskor ni Donald Canon Coleman sa penalty tap para sa 17-12 bentahe.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Mula rito, hindi na nakaporma ang Zimbabwe sa mabilis at malakas na Volcanoes.

Bunsod ng panalo, nakausad ang Volcanoes sa quarterfinals ng torneo sa unang pagkakataon. Sunod nilang haharapin ang hosts Hong Kong ganap na 7:12pm ng Linggo.

“It’s a special day for Philippine Rugby. This is the furthest we’ve come on the world stage. The future is bright for rugby in the country,” pahayag ni General Manager Jake Letts.

Target ng Volcanoes na makausad sa semifinals round