MAGBABALIK upang depensahan ang kanyang ONE Featherweight World Championship si Martin “The Situ-Asian” Nguyen sa pagsabak sa main event ng ONE: ROOTS OF HONOR sa Abril 12 sa Mall of Asia Arena.

Makakaharap ni Nguyen ang dating pinakamahalagang manlalaro sa larangan ng martial arts, ang featherweight kingpin na si Narantungalag Jadambaa ng Mongolia.

Nakuha ni Nguyen ang ONE World Championship noong 2017 matapos itong maghari sa lightweight at featherweight division kung saan isang makapigil hiningan one-punch knockout win ang kanyang pinakawalan sa kanyang mga nakalaban na sina Marat Gafarov at Pinou star Eduard Folayang.

Hindi naging madali para kay Nguyen ang kanyang kampanya noong taong 2018 nang mabigo siya nang subukan niyang bumaba ng division sa batamweight at kalabanin ang ONE Bantamweight World Champion na si Bibiano Fernandes kung saan natalo siya sa split decision noong Marso ng nakaraang taon.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Gayunman, nakabalik naman si Nguyen nang kanyang biguin sa isa ring split-decision panalo kontra kay Christian Lee sa kanilang rematch na ginanap noong Mayo ng 2018 ngunit nabigo muli nang kaharapin niya si Kevin Belingon noong July ng 2018 para sa interim bantamweight title.

Bukod dito, hindi inaasahang injury din ang natamo ni Nguyen kung saan napilitan siyang magpahinga muna hanggang sa matapos ang taon hanggang sa unang yugto ng 2019.

Ngunit, ngayon ay handang handa na si Nguyen na madepensahan ang kanyang titulo at sumabak muli sa labanan.

Sa kabilang dako, kilala si Jadambaa bilang beterano ng ONE championships na may tangang 14-5 rekord kung saan kabilang dito ang kanyang naging panalo kontra kay Edward Kelly sa pamamgitan ng second-round TKO noong Hunyo 23 pati na ang kanyang panalo noong Hulyo 13 kontra naman kay Kazuki Tokudome sa pamamgitan ng decision.

Inaasahang magiging mahigpit na labanan ang magaganap sa pagitan nina Nguyen at Jadambaa gayung kapuwa sila natengga ng mahaba mahabang panahon sa pagsabak.

Samanatal, matutunghayan din ang labanan sa pagitan nina reigning champion Yosuke “The Ninja” Saruta na dedepensahan ang kanyang ONE Strawweight World Title sa rematch kontra sa pambato ng Pilipinas na si Joshua “The Passion” Pacio.

-Annie Abad