IGINIIT ni Wrestling Federation of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na malaki ang maiaambag ng wrestling sa hangarin ng Team Philippines na muling makamit ang overall championship sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

IGINIIT ni dating POC chairman at Manila District 1 Congressman Manny Lopez na malaki ang tsansa ng Team Philippines na manalo ng overall championship sa SEA Games kung magkakaisa ang mga sports officials, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) CBA founder Carlo Maceda, wresling at MMA chief Alvin Aquilar at TOPS president Ed Andaya sa ginanap na ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kahapon sa National Press Club.

IGINIIT ni dating POC chairman at Manila District 1 Congressman Manny Lopez na malaki ang tsansa ng Team Philippines na manalo ng overall championship sa SEA Games kung magkakaisa ang mga sports officials, habang nakikinig sina (mula sa kaliwa) CBA founder Carlo Maceda, wresling at MMA chief Alvin Aquilar at TOPS president Ed Andaya sa ginanap na ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports kahapon sa National Press Club.

Ngunit, kailangan niya ang ayuda ng Philippine Olympic Committee (POC) para masiguro na hindi agrabyado ang Pinoy sa biennial meet.

“I already talked with my fellow wrestling officials in the region. Actually, pinapirma ko sila sa petition na mabago ang mga event na naunang na-approved sa SEA Games Federation meeting, gayundin maidagdag ang mga event na talagang malaki ang tsansa nating manalo,” pahayag ni Aguilar sa kanyang pagbisita sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ayon kay Aguilar, head din ng jiu-jitsu disicipline at founder ng matagumpay na Universal Reality Combat Championship (URCC) na maglulunsad ng international event sa Abril 27 sa The Cove ng Okada, agrabyado ang Pinoy wrestlers sa mga event na naunang naaprubahan ng SEAGF.

“During the ASEAN Wrestling Championship held last year in Laguna, we won 31 gold medals. In the coming SEA Games, we fight with the very same opponents, so yung tsansa nating manalo malaki, but unfortunately sa 20 event na approved ng SEAG Federation, mahina pa tayo,” samba ni Aguilar sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, sa pakikipagtulungan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

“Target natin makuha uli ang overall title, so kami sa wrestling gusto naming makapag-ambag. Pero paano makakaambag ang wrestling kung mga event na lalaruin mahina tayo,” sambit ni Aguilar.

Kinatigan ni Manila First District Congressman Manny Lopez ang pahayag ni Aguilar kasabay ang panawagan sa mga atleta na galingan ang ensayo para maihanda ang mga sarili sa laban,

“This is the fourth time we host the SEA Games. This is the biggest sports gathering in the region, the last time we play host nakuha ng bansa ang overall championship. This year, kailangan nating muling lumaban at maging overall champion,” sambit ni Lopez.

Ayon sa dating boxing chief at chairman ng Philippine Olympic Committee (sa panahon ni Peping Cojuangco ng SEAG Federation at isang pamilya na nagbibigayan at nagkakaisa higit sa host country.

“We call it all boys club. Kaya sa SEAGF meeting pa lang, napaguusapan na actually kung anong mga sports ang lalaruin at saan ang venue. As host, dapat mas malakas ang boses natin,” sambit ni Lopez.

Ayon kay Lopez, magtatangka sa ikalawang termino bilang Mambabatas, kailangan maging matapang at madiskarte ang opisyal ng bansa na kakatawan sa SEA Games Federation.

“Kung hindi kasi marunong magsalita at dumiskarte ang opisyal natin sa SEAG Federation, hindi talaga tayo makakaporma,” sambit ni Lopez, ilang ulit ding naging Chief de Mission sa SEAG, Asian Games at Olympics at ipinapalagay na ‘Father’ ng boxing golden years matapos sundan ang liderato ng nasirang ama na si dating Manila Mayor Mel Lopez bilang pangulo ng Amateur Boxing Association in the Philippines (ABAP).

-EDWIN ROLLON