NEW YORK (AP) — Kung nakakalusot ang mga referee sa kamalian, hindi ang mga players – maging superstar ng liga.
Pinatawan ng kabuuang US$75,000 multa sina Golden State Warriors teammates Draymond Green, two-time Finals MVP Kevin Durant at two-time MVP Stephen Curry bunsod ng tahasang panunuligsa sa ‘officiating’.
Sa inilabas na desisyon ng liga nitong Martes (Miyerkoles sa Manila), pinagmula si Green ng US$35,000 dahil sa negatibong komento sa social media na “impugned the integrity of NBA officiating,” habang si Curry ay pinagbayad ng US$25,000 dahil sa panunuligsa sa mga referee sa publiko at pinagmulta si Durant ng US$15,000 dahil; sa “public criticism” sa mga referee.
Ang disciplinary action sa tatlong Warrior All-Stars ay ipinahayag ni NBA executive Kiki VanDeWeghe. Bunsod ito ng kontrobersyal na 131-130 kabiguan ng Warriors sa overtime sa Minnesotta Timberwolves nitong Biyernes (Sabado sa Manila).
Ayon sa liga, ang aksiyon ng tatlo ay habang naglalaro at pagkatapos ng laro at matapos ang isinagawang pagsusuri sa mga nakalap na impormasyon.
WARRIORS 116, NUGGETS 99
Sa Oakland, Calif., pinatunayan ng Golden State Warriors, sa pangunguna ni Kevin Duran, kung sino ang No.1 sa West.
Ratsada ang two-time Finals MVP sa naiskor na 21 puntos, tampok ang ilang dominanteng play at dunk, para sandigan ang Warriors laban sa Denver Nuggets nitong Martes (Miyerkoles sa Manila).
Kumubra si DeMarcus Cousins ng season-best 28 puntos mula sa 12-for-17 shooting, 12 rebounds, limang assists ar dalawang blocks para hilahin ang bentahe ng Warriors (53-24) sa Denver (51-26) para sa top seeding sa Western Conference playoff.
Ngunit, napatalsik sa laro si Durant may 8:21 ang nalalabi sa third period. Kinastigo niya ang referee na si Zach Zarba bunsod nang ‘no call’ sa kanyang tira sa depensa ni Paul Millsap. Ito ang ika 15th technical ni Durant at isang kaganapan na lamang ay masususpindi siya ng isang laro.
Nag-ambag si Stephen Curry ng 17 puntos, limang rebounds at limang assists. Ang ikalimang three-pointer may 7:22 ang nalalabi sa laro ang nagbigay kay Curry ng career na siyam na sunod na laro na nakapagtala siya ng lima o higit pang three-pointer para sa kabuuang 16,236 career-three pointer at lagpasan ang Hall-of-Famer na si Chris Mullin (16,235) sa No.4 sa Warriors all-time points list.
Nanguna si Jamal Murray sa Nuggets na may 17 puntos.
ROCKETS 130, KINGS 105
Sa Sacramento, pinasuko ng Houston Rockets, sa pangunguna ni James Harden na may 36 puntos at 10 assists, ang Sacramento Kings.
Nag-ambag sina Eric Gordon at Danuel House Jr. na may tig-19 puntos, habang kumana sina Kenneth Faried ng 12 puntos at si P.J. Tucker na may 13 puntos.
Umusad ang Houston (50-28) sa No.3 spot sa West at lagpasan ang Portland na nalaglag sa No.4.
Nanguna si Buddy Hield sa Kings na may 20 puntos.
Sa iba pang laro, hataw si DeMar DeRozan sa naiskor na 29 puntos, sa panalo ng San Antonio Spurs kontra Atlanta Hawks,117-111; habang nanaig ang Oklahoma City Thunder sa Los Angeles Lakers, 119-103.