INALALA ni Claudine Barretto ang death anniversary ni Rico Yan nang mag-post siya ng old photo nilang dalawa habang kumakain. Caption nito: “March 29, 2002 the day my heart broke into pieces. #foreverloved #neverforgotten”, at tinag ang kapatid ni Rico na si Tina Marie Yan, na kaibigan ni Claudine.

Claudine copy

May mga nakisimpatiya kay Claudine at nanghinayang sa maagang pagpanaw ni Rico, pero may mga nabasa kaming comments na dine-delete raw ni Claudine ang mga komento ng mga tao na umano’y nakakaalam sa totoong nangyari. Sana raw, hindi na lang nag-post si Claudine dahil muli tuloy naungkat ang nangyari sa kanila ni Rico.

May matatapang namang nag-comment at kulang na lang ay sisihin si Claudine sa pagkamatay ni Rico. Sabi ng isa: “Broke your heart into pieces pero niloko mo naman, pweeeh. Pa-fame ka lang ehy.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Naging daan ang post ni Claudine para mag-away-away ang fans niya at ni Rico. Ang fans naman ng love team nila ni Rico, nabuhay ang lungkot sa mga puso sa pag-alala ni Claudine sa dating kasintahan.

Samantala, patuloy ang sweetness nina Claudine at Gretchen Barretto, at nag-post pa si Claudine ng quotation card: “SISTERS are Angels who lift us up when our wings forget how to fly.”

May caption ito: “Once upon a time my wings were broken, till an Angel came along and Nursed my broken wings. I can now FLY AGAIN #gretchenbarretto.”

Sumagot si Gretchen ng emojis ng nagte-thank you. Nagkomento naman dito ang sister ni Rico na si Tina: “Answered prayers @claubarretto.”

-NITZ MIRALLES