BIRONG-tanong ng kanilang mga kaibigan, namanhikan na raw ba si Rambo Nuñez kay Maja Salvador?

Maja, Rambo at pamilya copy

Sa picture kasi na ipinost ng aktres sa Instagram, kasama niya ang mom ni Rambo at ang mom ni Maja together with her foreigner stepdad at iba pang relatives.

Walang caption si Maja sa family picture nila kundi heart emoji. Si Rambo naman, maikling “the best” lang ang komento, kaya lalong naintriga ang mga nakabasa.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ipinost ni Rambo ang same picture sa IG niya at ang caption niya: “Dinner with the Queens #family”. Nagkomento si Maja ng “I love you @rambonunez”, na sinagot ni Rambo ng “I love you too.”

Pati ang fans ni Maja, na pabor sa relasyon nila ni Rambo, natuwa rin sa nakitang litrato, at masaya sila sakaling may plano na ngang pakasal ang lovebirds. May diretso na ngang nagtanong kung kasalan na ba ang susunod sa nasabing dinner. May nag-comment din na parang pa-shade sa nanay ng dating nakarelasyon ni Maja: “Di ba mahal na mahal ng Mommy ni R si Maja, unlike others, ipinahalatang ayaw.”

Halos hindi na naghihiwalay ngayon sina Rambo at Maja, at dahil nasa tamang edad na sila, hindi na nakakagulat kung gustuhin na nilang magpakasal.

-NITZ MIRALLES