COLLEGE days pa lang sa UP Diliman ay magkaibigan na sina JM de Guzman at Arci Muñoz o Ramona Cecilia Datuin Muñoz sa tunay na buhay. Kaya nang nakapasok sila sa showbiz ay mas lalo raw silang naging close, sabi ng aktres.

JM

“Can’t compare how we are during college days and how we are right now, I really feel closer now talagang no malice, we can hold hands na walang malisya, ewan ko lang kay M (tawag ng dalaga sa aktor) kasi crush niya ako noon,” nakangiting sabi ni Arci.

Say naman ni JM, “Actually, bago nag-start ng taon, isa ito sa ni-look forward ko, isa ito sa rason (movie project).”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Magkasama sina JM at Arci sa pelikulang Last Fool Show mula sa direksyon ni Eduardo Roy Jr. produced ng Star Cinema, N2 Productions at Emba, palabas na sa Abril 10.

Sa tanong kung nagkagusto si Arci noon kay JM, “May girlfriend po si JM noon. Saka ano pa po ako noon, sobrang focused po ako na makatapos ng school ko.

“Kasi, very strict din po ‘yung parents ko regarding sa mga ganoong matters na going into relationship at a very young age. So, hindi ko po talaga naiisip. So, si JM po, isa po siya sa pinaka-close ko na guy.

“Pero akala ko po noong mga panahong iyon, bading siya. Kasi po, wala pong pumapasok sa teatro na lalaking tunay!,” tumawang sabi ng aktres sabay yuko.

Dagdag pa, “Sila po ang nagpasok sa isip ko, ‘yung mga tao sa teatro nang nandoon kami. Sabi nila, ‘Siguro, bading si JM. Kasi, alangan namang siya lang ang lalaki rito.’ Ganu’n. Lalabas din ‘yan. Mag-a-out din ‘yan. Hintayin lang natin’.”

Sabi naman ng aktor, “Dalawa lang kami sa batch namin na straight. Lahat, puro babae.”

Hirit kaagad ni Arci, “Kaya hindi ko rin siya ikinunsider na ano, na baka puwede kong dyowain.”

“Ako pa naghahatid sa kanya sa bahay,” tumawang kuwento ni Arci.

Sundot naman ni JM, “tanda mo na ako tagapagtanggol mo kapag nahaharang ka sa highway? Hinaharang kasi siya sa highway, naka-taxi kami hinaharang siya ng kotse, kakatukin siya, kukunin daw sa talent agency. Tapos may mga frat boys na lumapit neophyte pa nilapitan siya, hindi ako makapalag kasi ang dami nila.”

Na-attract ba si JM kay Arci?

“Oo naman,” sagot ng aktor.

Wala bang panghihinayang kay JM si Arci na hindi naging sila noong nag-aaral pa sila?

“Wala po,” mabilis na sagot ng aktres na ikinatawa ng lahat.

Si JM, may panghihinayang kay Arci?

“Wala po,” ganting sagot ng binata.

Bahagyang naikuwento ni JM na noong nasa teatro sila ni Arci ay nasubukan nila ang buhay production.

“Parehas lang po kaming nag-start na crew staff, props crew, costume crew. Kami ang nagbibihis noon kina kuya Andoy (Direk Ranay), mga aktres natin ngayon. Mga behind the scenes,” say ng aktor.

Kaya pinasok ni JM ang teatro ay dahil wala siyang offer na show pagkatapos niyang mag-Ang TV 2.

Samantala, natanong si JM kung ano ang reaksyon nila sa sinabi ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) na may hawak silang listahan ng mga artistang gumagamit at pusher ng ipinagbabawal na gamot.

Seryosong sabi ng aktor, “Para po sa akin, that’s a very smart move ng PDEA kasi po kami sa industriya, we also have social responsibility to set an example pero ang hinihingi ko lang po sa PDEA, tatlong taon po ako sa loob ng rehab, araw-araw kasama ko mga addict, pusher.

“At hindi lang po sila addict or nag-take ng drugs whatsoever, may mga pinagdaanan din po sila na obviously hindi nila kinaya and they chose a different path to patch it up and to move on to fight.

“’Wag lang po sanang masyadong masaklap ‘yung pagtrato sa kanila kasi umabot na sa point na pinapatay na nga (Oplan Tokhang), wala po tayong death penalty pero they could be killed and I don’t believe on that sh*t.

“Ako, I’m in this position ngayon na maging example na hindi lang kami hanggang doon and kung ano po ‘yung makakatulong na ginagawa ng PDEA, e, all out support po ako 100% and willing to submit my pee (urine test) anytime, anywhere.”

Anyway, kasama rin sa Last Fool Show sina Jaymee Katanyag, Alora Sasam, Via Antonio, VJ Mendoza, Chamyto Aguedan, Kris Janson, Victor Silayan, Erin Ocampo, Pat Sugui, Cholo Barretto, Josef Elizalde, Menggie Cobbarubias, Arlene Muhlach, Bibeth Orteza at Gina Alajar.

-REGGEE BONOAN