NASILAYAN na simula nitong Miyerkules ang action movie na Maria ni Cristine Reyes.

Cristine copy

Kung sobrang papuri ang inani ni Anne Curtis mula kay Direk Erik Matti who megged Buy Bust, ganoon din ang papuring ibinigay ni Direk Pedring Lopez sa husay ni Cristine sa Maria.

“Matinding training ang pinagdaanan ni Cristine, at hindi siya nagreklamo kahit nagkapasa-pasa ang kanyang katawan,” kuwento ni Direk Pedring.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Hindi rin siya pumayag na dayain ang mga risky stunts, tulad ng mga fight scenes.”

Gusto naman ni Cristine ang working attitude ni Direk Pedring, na naging Best Director in an international film fest.

“He has a vision and one hundred percent involvement sa Maria project,” sabi ni Cristine.

“Panahon na to show the world na Filipino filmmakers can also do excellent action films,” aniya pa.

-Remy Umerez