SIYAM lamang mula sa libong batang players mula sa Baguio, Benguet, Nueva Ecija, Tarlac, La Union, Ilocos Sur, Pangasinan at karating na lalawigan at lungsod ang napili sa isinagawang Jr. NBA Philippines North Luzon Regional Selection Camp nitong weekend sa Benguet State University sa La Trinidad.

DETERMINADO ang mga batang babaeng kalahok sa ginawang one-on-one game sa Benguet Camp ng Jr. NBA Philippines North Luzon Regional Selection nitong weekend.

DETERMINADO ang mga batang babaeng kalahok sa ginawang one-on-one game sa Benguet Camp ng Jr. NBA Philippines North Luzon Regional Selection nitong weekend.

Matapos ang dalawang araw na pagtuturo sa basic basketball drills at exercises, pitong batang lalaki at dalawang babae ang kinakitaan ng kakaibang husay sa Harcourt at katangian na akma sa core values ng programa para mapanilang sa Jr. NBA Philippines National Training Camp sa Mayo 17-19 sa Don Bosco Technical Institute Makati.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kabuuang 40 lalaki at 40 babae mula sa Regional Selection Camps sa Benguet, Butuan, Dumaguete, Lucena, at Metro Manila, kasama ang napili mula sa Alaska Power Camp ang sasailalim sa mas matinding pagsasanay para mapili ang Jr. NBA Philippines All-Stars.

“What I’ve noticed here in Baguio is that there are a lot of good dribblers. The kids here are very competitive, very enthusiastic. They’re working hard. The three questions I always ask the kids – Did you have fun? Did you give your best? And the last one is, do you love basketball? And it’s all, “Yes! Yes! Yes!” and I think that’s our goal here, making sure that the kids are learning basketball, they’re having fun and more importantly they are giving their best,” pahayag ni dating PBA player Tony dela Cruz.

Ang mapipiling limang lalaki at limang babae sa Jr. NBA Philippines All-Stars ay sasabak sa kauna-unahang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp kung saan makakasama nila ang mga batang players mula sa North Asia, Southeast Asia at Pacific region.

Mula dito, pipili ng players para katawanin ang Asia Pacific sa Jr. NBA Global Championship na nakatakda sa Aug. 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex ng Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Tampok sa international event ang mga players mula sa United States, Canada, Latin America, Europe, Middle East, China, Mexico, Africa, India at  Asia-Pacific.

May pagkakataon pa ang mga batang Pinoy na may edad 10 hanggang 14 sa gaganaping Regional Selection Camps sa Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 13-14) at Metro Manila (April 27-28). Magpatala online sa www.jrnba.asia/philippines.

Ang mga napili sa Benguet Camp ay sina (boys) Laurence Christian Batongbakal, 13, Saint Mary’s University; Jushrylle Rayne De Vera, 13, Baguio City National High School; Kenneth Gabriel Duca, 14, University of Baguio Science High School; Zak Adlee Gumaya, 13, Berkeley School of Baguio; Aethan Pagio, 14, University of Baguio; Czarlo Lorenzo Salvador, 13, Ateneo de Davao University; Nathaniel Tomeldan, 14, St. Louis University – Laboratory High Schoool; (girls) Jhulliana Francesca Pagteilah, 13, San Jose School of La Trinidad Inc.; Christine Nicole Venterez, 12, Baguio City National High School.