Isang pasaring ang pinakawalan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa kaniyang X post noong gabi ng Miyerkules, Hulyo 8.
Sa nasabing X post, nagbabala si Sen. Ping hinggil sa pagkakaroon ng warrant—at ang kaugnayan umano nito sa pagkakaroon ng sakit.
“WARNING: Bawal magkasakit. Mahal ang gamot,” saad ni Sen. Ping sa kaniyang post.
“Bawal magka-’warrant’. Baka magkasakit,” dagdag pa niya.
Ibinahagi ng mambabatas ang X post sa gitna ng napaulat na pagkaka-confine ni Sen. Rodante Marcoleta sa [Philippine National Police] PNP General Hospital matapos itong maaresto sa kasong plunder, dahil sa umano’y campaign donations na hindi nito idineklara.
Matapos siyang isailalim sa medical test, nakitaan si Sen. Marcoleta ng mild pneumonia, batay sa impormasyong inilatag ng PNP General Hospital.
MAKI-BALITA: Sen. Marcoleta, tinamaan ng mild pneumonia!-Balita
Nauna naman nang sinabi ng mambabatas na wala umanong problema kung siya man ay aarestuhin.
“Nakahanda po akong magpakulong. Kung kinakailangang maaresto po ako wala pong problema,” anang senador sa ginanap na kilos-protesta ng religious group na Iglesia ni Cristo (INC) kamakailan.
MAKI-BALITA: 'Wala pong problema!' Sen. Marcoleta, nakahandang makulong-Balita
Photo courtesy: Ping Lacson/FB