July 15, 2026

Home BALITA Politics

'Wala pong problema!' Sen. Marcoleta, nakahandang makulong

'Wala pong problema!' Sen. Marcoleta, nakahandang makulong
Photo courtesy:Contributed photo

Ipinahayag ni Sen. Rodante Marcoleta na handa siyang makulong kung ito ang magiging resulta ng kasong plunder na iniuugnay sa umano'y iregularidad sa kaniyang election campaign funds.

Ginawa ni Marcoleta ang pahayag habang humaharap sa mga tagasuporta sa ikalawang araw ng kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC), kung saan ipinakita niya ang kaniyang kahandaang harapin ang anumang legal na proseso.

“Nakahanda po akong magpakulong. Kung kinakailangang maaresto po ako wala pong problema,” anang senador.

Naging sentro ng pagtitipon ang pagpapahayag ng suporta ng mga dumalo kay Marcoleta, na nahaharap sa planong pagsasampa ng kasong plunder kaugnay ng umano'y hindi pagdedeklara ng campaign donations.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ng senador na wala siyang pangamba sa posibilidad na maaresto at iginiit na handa siyang harapin ang anumang hakbang na isasagawa laban sa kaniya.

Politics

Impeachment complaint, ‘di suportado ng ebidensya—VP Sara

Sa kasalukuyan, wala pang pinal na desisyon ang hukuman kaugnay ng alegasyon, at nananatiling may presumption of innocence si Marcoleta hangga't hindi napatutunayang nagkasala sa ilalim ng batas.

Matatandaang libu-libong miyembro ng INC ang nagtipon sa People Power Monument sa Quezon City at sa Liwasang Bonifacio sa Maynila noong Martes, Hunyo 30 at nitong Miyerkules, Hulyo 1, upang ipahayag ang kanilang paninindigan. 

Samantala, sinabi ni INC spokesperson Bro. Edwil Zabala sa isang panayam sa telebisyon na magpapatuloy ang kanilang panawagan para sa katarungan kahit pa makulong si Marcoleta.

“Even if Marcoleta is imprisoned, the group will continue demanding justice for fellow Filipinos who have been robbed,” saad ni Zabala.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Ano ang plunder at bakit nagitgit si Sen. Marcoleta sa kasong ito?