IPINOST ni Judy Ann Santos ang Facebook post ng taong nagpakilalang siya na gumamit pa ng litrato niya at kanyang pamilya, para mang-scam ng mga biktima.

Ryan at Judy Ann copy

Ipinost ng aktres ang screenshot ng post ng poser niya na naghahanap ng business partner daw at fake Facebook account, at ito ang caption niya, “Para po sa mga nagtatanong, this Facebook account is not mine. My team reached out a couple of times already to the person handling this account and reported this account as well. I do not have any personal Facebook account that’s public. Pls. Be careful of scammers, at para sa inyo namang mga scammer, may tamang paraan para kumita ng pera. ‘Wag namang gumamit ng pangalan at manloko ng mga tao.”

Sana lang, mabasa ng mga manlolokong nasa likod ng fake FB account ni Judy Ann ang post at tumigil na sa panloloko nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-NITZ MIRALLES