USAPANG sports mula sa kaisipan ng kababaihan ang itatampok sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) bukas sa National Press Club (NPC) sa Intramuros.
Nakatakda ang programa ganap na 10:30 ng umaga.
Inaasahang magbibigay ng kanyang saloobin hingil sa ginagawang paghahanda sa hosting ng 30th Southeast Asian Games si Philippine Olympic Committee (POC) deputy secretary-general Karen Tanchanco-Caballero, habang ibibida nina World Rugby Council member Ada Milby at Beach Volleyball Republic founder Bea Tan ang mga kaganapan sa kanilang sports.
Nakatakda ang SEA Games – kung saan kapwa kabilang ang rugby seven at beach volleyball – sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 12.
Kasama rin bilang panauhin sina Philippine National women’s basketball team coach Pat Aquino at Cage Gladiator founder Burn Soriano.
Maglalaan din ng isang minutong panalangin ang TOPS para sa namayapang si Gen. (ret.) Mario Tanchanco, ama ni Karen at dating pangulo ng PASTA.Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang mga opisyal at miyembro na dumalo sa programa. Bukod sa lingguhang forum, nagbibigay pugay din ang TOPS sa natatanging mga atleta sa pamamagitan ng ‘Athlete of the Month’ bilang pagkilala. Sa nakalipas na dalawang buwan, naipagkaloob ang parangal kina boxing icon Manny Pacquuao (January) at swimming champion Micaela Jasmin Mojdeh (February).