GAGANAP na mga magulang sina Jason Abalos at Max Collins sa upcoming seryeng Bihag.

Jason at Max

Mula sa orihinal na titulong Ganti na pinalitan ng Stolen, ang family drama na may aksiyon at thriller ay tungkol sa pamilyang nasira dahil sa pakikiapid at trahedyang sinapit ng miyembro ng pamilya.

Sa Bihag, si Jason ay isang doktor habang si Max ay isa namang nursing student nang maging magulang. Ayon sa source, maaaring may ma-kidnap na karakter sa serye dahil ang istorya ay ibinatay sa mga naiulat na kaso ng nawawalang mga bata.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nakatakdang palitan ng serye ang My Special Tatay — nina Ken Chan at Rita Daniela, at isa sa mga pinakamalaking proyekto ng network.

“We understand how ‘My Special Tatay’ captured the hearts of viewers, but ‘Bihag’ offers a different flavor,” sabi ni Jason. “While there’s pressure on our part, we offer something brave and potentially controversial.”

Hindi ito ang unang beses na magkakasama sa iisang proyekto sina Max at Jason. Lumabas na rin ang dalawa sa The One That Got Away, pero hindi sila ang lead roles doon.

“He is so giving and supportive,” sabi ni Max tungkol kay Jason. “He’s super cool considering all of his achievements. He’s so humble and he tries to make everyone comfortable. He tries to support everyone around. I’m glad we have instant connection with each other.”

Sabi naman ng aktor, “You will see a different Max Collins in this series.”

Kasama rin sa cast sina Sophie Albert, Mark Herras, at Neil Ryan Sese.

BTSAs usual, tinanong namin sila tungkol sa kanilang mga tunay na buhay.

Si Max ay isang taon nang kasal kay Pancho Magno, pero wala pa silang planong magkaanak.

“We want to enjoy our life as husband and wife,” sabi niya. “But when we do have children, I want three para maingay.”

Karelasyon naman ni Jason ang long-time girlfriend at beauty queen na si Vickie Rushton. At itinanggi ng aktor ang mga espekulasyon na nagsasama na sila.

“Vickie’s family is very conservative and we want to respect that. Marriage first before living a life together under one roof.”

Inamin niyang gusto na niyang maging tatay, pero isiniwalat din niya kung bakit hindi pa niya puwedeng pakasalan si Vickie.

“She still has plans for herself. I don’t want her to have regrets in the future. I just want her to do whatever she wants now,” sabi ni Jason.

-REGINA MAE PARUNGAO