HINDI pa man nagwawagi sa laban, bibigyan na nang masiglang programa ang mga miyembro ng Team Philippines na isasabak sa 30th Southeast Asian Games sa gaganaping ‘Pep Rally’ at konsiyerto ngayon kaloob ng GoPilipinasGo movement.

team

Sisimulan ang programa ganap na 5:00 ng hapon.

Gagamitin din ang pagtitipon para sa pormal na paglulunsad ng GoPilipinasGo movement na binuo upang magsagawa ng mga programa para sa paghahanda ng SEAG hosting.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nakatakda ang SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa Subic , Clarck, Tagaytay at Manila.

Gaganapin ang GoPilipinasGo Athletes Rally sa Rizal Memorial Baseball Field – isa sa makasaysayang lugar kung saan naitala ng atletang Pinoy ang hindi na mabilang na tagumpay.

Makikita rito ang marka ng mga home run nina baseball greats

Babe Ruth, Charlie Gehringer at Lou Gehrig, gayundin ang local players, tampok ang nasirang Boy Codinera.

Inimbitahan bilang panauhin sina sporting icons Lydia de Vega, Elma Muros-Posadas, Bong Coo, Paeng Nepomuceno, Eric Buhain, Onyok Velasco, Roel Velasco, Akiko Thomson-Guevara, Renato Unso, Stephen Fernandez at Bea Lucero.

Ito ang ikaapat na pagkakataon na magiging host ang bansa sa SEA na huling ginawa sa Manila noong 2005. Host din ang manila noong 1981 at 1991.

Libre sa publiko ang programa na tatampukan ng konsiyerto ng mga pamosong local rock band tulad ng Johnny Cross, Silver Box at This Band.