TRENDING ang pilot episode ng Sahaya sa GMA Telebabad kaya naman labis ang katuwaan ng bida sa serye na si Bianca Umali.

Bianca

This week ay mapapanood na si Bianca as Sahaya, na teenager na, at may mga eksena na sila ng ka-love team niyang si Miguel Tanfelix.

Laging magkasama ngayon sina Bianca at Miguel sa taping ng Sahaya somewhere in Batangas at umaasa ang BiGuel fanatics na muling ma-rekindle ang feelings ng dalawa, na matatandaang natsismis na nagkaproblema noon, habang ginagawa nila ang Kambal, Karibal.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Natsika kasi noon na naagaw daw ng co-star nila sa Kambal, Karibal na si Kyline Alcantara ang attention ni Miguel, at nag-away-away pa nga ang fans nina Kyline at Bianca. Kaagad namang pinabulaanan ni Kyline ang issue at sinabing friends lang sila ni Miguel.

Now, just asking, magkabalikan kaya uli sina Bianca at Miguel as lovers even off camera dahil almost every day silang magkasama sa taping ng Sahaya?

“Wala naman pong balikang magaganap dahil never po naging kami,” sagot agad ng Bianca. “We’ve already explained before that we grew up together so we are the best of friends, nagkakaintindihan talaga kami bilang magkaibigan.”

O, sige. Pero how true ang tsika na silang dalawa na ni Ruru Madrid ang magsyota now?

“I just don’t mind them. I just concentrate on my work, lalo na ngayon, kasisimula pa lang umere ng Sahaya, so lahat ng efforts and attention ko, lahat kami ng mga kasama ko sa cast, nakatutok kami on how mas mapapaganda namin ang show para subaybayan kaming panoorin ng viewers gabi-gabi. At ako, I don’t dwell on chismis. I just work hard and focus on improving my craft.”

So how would she describe her relationship with Miguel at this point? “Actually, we’re just so comfortable with each other. When we are doing a scene, tinginan lang, nagkakaintindihan na kami agad on how to do it in front of the camera. As of now, dumating kami sa puntong hindi ko basta made-describe or mabigyan ng label ‘yung relationship namin.

“Basta close kami sa isa’t isa and I can really say we care for each other’s welfare. We know we need each other para magtulungan kami for the good of Sahaya at mas magustuhan ito ng viewers nang tumagal kami sa ere. Alam nyo naman ngayon, grabe ang competition sa TV so our main concern is to make sure maganda lagi ang aming show.”

Okidoks. Tenk you

-MERCY LEJARDE