Ang kadakilaan ay isang salita na madalas gamitin sa mundo ng combat sports kung saan ang pagmamalabis ay pangalawang wika na.
Pero ito mismo ang gustong maabot ng Team Lakay kapag pumunta sila sa Tokyo, Japan para sa ONE: A NEW ERA ngayong Linggo, Marso 31.
Si ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang ang headline ng event. Dedepensahan niya ang kanyang World Tile laban sa Japanese legend na si “Tobikan Judan” Aoki sa isang rematch ng kanilang paghaharap noong Nobyembre 2016.
“Of course, it’s a great honor to be in the main event of a card this big, so I vow not to disappoint,” sabi ni Folayang.
“It’s normal to feel pressure, but rest assured, we have prepared 100 percent to get the results that we want.”
Lalaban din si ONE Bantamweight World Champion Kevin “The Silencer” Belingon upang kumpletuhin ang trilogy niya laban kay Bibiano “The Flash” Fernandes.
“It’s very humbling,” sabi ni Belingon. “I’m excited to show my best in Japan, and to fight for the Philippines.”
Magkakaroon din ng pangatlong representative ang Team Lakay, si Danny “The King” Kingad. Makakalaban ni ang Pancrase Flyweight World Champion na si Senzo Ikeda sa opening round ng ONE Flyweight World Grand Prix.
“This is a dream for us. We’ll make sure not to disappoint,” pangako niya.
“Japan is the birthplace of martial arts. Of course, it would mean a lot to us if we can perform to the best of our abilities,” sabi ng coach.
“We’ve seen great martial artists from Japan, and we hope that we're able to live up to what they've accomplished.”