Mga Laro sa Lunes
(JCSGO Gym, Cubao)
2:00 n.h. -- The Masterpiece-Trinity vs Marinerong Pilipino
4:00 n.h. -- Che’lu Bar and Grill vs McDavid
MULING nakisosyo sa liderato ng Aspirants Group ang St. Clare College-Virtual Reality matapos gapiin ang Family Mart-Enderun, 71-64, nitong Huwebes sa 2019 PBA D-League sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nakamit ng Saints ang ikaapat na sunod na panalo para tapatan ang University of Santo Tomas bilang tanging koponan na walang gurlis sa elimination round ng liga.
“Bonus na lang yung record,” pahayag ni St. Clare head coach Jinino Manansala.
“Goal namin makapunta kami sa Top Four, and from there, talagang giyera na yan. Mas pagbubutihin namin sa nga ensayo. Ayoko magrelax kami,” aniya.
Hataw si Irvin Palencia sa naiskor na 16 puntos para sa St. Clare, bukod sa apat na assists at apat na rebound, habang tumipa si Joshua Fontanilla ng 14 puntos, tatlong boards, at tatlong assists at umiskor si Ray Rubio ng 11 puntos.
Sa unang laro, nadomina ng Diliman College-Gerry’s Grill ang SMDC-NU, 82-70, para sa ikalawang panalo.
Bumalikwas ang Blue Dragons mula sa 12 puntos na paghahabol mula sa matikas na opensa ni Joseph Brutas na kumana ng tatlong sunod na three-pointer para agawin ang bentahe sa 76-64.
“I know Brutas for three years now. He’s a young player pero kilala ko yung puso ng batang yan,” pahayag ni coach Rensy Bajar.
Kumana si Brutas ng 13 puntos, limang rebounds, at dalawang assists, habang nanguna si Beninese big man Kevin Gandjeto sa Diliman-Gerry’s na may 16 puntos.
Umarya ang Saints sa fourth quarter sa naisalpak na anim na sunod na puntos para sa 59-47 bentahe may 7:06 ang nalalabi.
“First half, medyo nanlambot kami, pero yung gusto namin na we get the ball, then attack, ginawa nila kaya maganda tapos ng game namin,” sambit ni Manansala.
Iskor:
(Unang Laro)
CLARE (71) -- Palencia 16, Fontanilla 14, Rubio 11, Fuentes 9, Hallare 7, Pare 6, Rivera 4, Lunor 2, Ambuludto 2, Santos 0.
FAMILY MART-ENDERUN (64) -- Kouakoa 11, Gatdula 9, Nunez 7, Presbitero 7, Vidal 7, Dela Cruz 6, Hayes 6, Gotladera 4, Mariano 4, Tancioco 3, Dungan 0, Oebanda 0.
Quarters: 13-14, 32-33, 53-47, 71-64.
(Ikalawang Laro)
DILIMAN-GERRY’S (82) -- Gandjeto 16, Balagtas 14, Mahari 13, Brutas 13, Torrado 8, Bonsubre 5, Bauzon 5, Cabanag 6, Brill 2, Darang 0, Enriquez 0, Sombero 0.
SMDC-NU (70) -- Clemente 22, Galinato 16, Gaye 10, Sistoza 8, D. Ildefonso 6, Gallego 3, Mangayao 3, Diputado 2, Rangel 0, Yu 0, Sinclair 0, S. Ildefonso 0.