MAY patimpalak para sa Mister & Miss Esquire sa Palo, Leyte, ang isa sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ na unti-unti nang bumabangon mula sa sinapit nila anim na taon ng nakararaan.

Mister & Ms Esquire candidates copy

Nakatsikahan namin ang organizer at tubong Palo na si Ms Susan Nuyles, managing director ng Esquire Financing, Inc. na excited siya sa nasabing una nilang project, dahil napakarami ang nag-audition.

“We decided to stage it in Leyte because one, I’m from there and I know personally there are many individuals from Leyte with potential to make it big in pageantry.

Hajji Alejandro, partner magdiriwang sana ng 27th anniversary

“Ap a r t f r om h e l p i n g highlighting the services we offer as a company, we also want to empower people specifically individuals joining the pageant. I think it’s already part of our culture. Almost every barangay, town, city conducts its own beauty pageant year in, year out.”

Gaganapin ang Mister & Miss Esquire sa Leyte Academic Center Gym, Pawing Palo, Leyte sa April 30, kung saan magtutunggali ang 11 male and 11 female contestants, at ang mananalo ay may cash prize P30,000, habang ang mga hindi mananalo ay mag-uuwi naman ng tig-10,000.

P a r a s a k a r a g d a g a n g impormasyon about the pageant, call lang kayo sa 811-8888 o 0349- 5395709.

Samantala, nakausap namin ang dalawa sa hurado para sa Mister and Ms Esquire na si Miss Tourism World Intercontinental 2019 Francesca Taruc at ang vlogger na si Edric Go, na isa sa mga contestants ng “Bida Man” (talent search) ng It’s Showtime.

“Ako personally, I really hope more people would stage pageants because it helps so many individuals, not only those of us dreaming of making a name for ourselves but also, like you said, designers, make-up artists,” sabi ni Francesca.

“I ’m r eal ly happy that Esquire Financing Inc. thought of staging a pageant for their fourth anniversary. I’m excited to share my know-how to the contestants hoping to help them achieve their dream,” aniya pa.

Tatapusin muna ni Francesca ang kanyang reign bilang Miss Tourism World Intercontinental 2019, at saka siya sasali sa Bb Pilipinas.

“Pabalik-balik po kasi ako sa China dahil may mga activities po ako roon at saka ang contract ko one year and six months po,” say ng dalaga.

Ang nakakataka ay hindi man lang nabalitaan ang pagkapanalo ng magandang dilag.

“Oo nga po, kasi ‘yung national director po namin na si sir Lito Lagasca nasa Canada kaya wala sigurong nag-asikaso,” aniya.

Bukod sa pagging beauty queen ay pangarap ding maging artista ni Francesca, tulad ng boyfriend niyang si Edric na aminadong pangarap maging artista kaya sumali sa talent search ng It’s Showtime. Sinuwerte namang may project na siya ngayon sa ABS-CBN.

“I am thrilled to be part of this event. I am hoping we will be able to discover the next Catriona Gray or Pia Wurtzbach at the contest,” say ng kilalang vlogger.

Hiningan namin ng komento si Edric kung ano ang pakiramdam na may girlfriend siyang beauty queen.

“Okay naman po, masaya,” say ng binata.

Tubong Tacloban City si Edric kaya masaya siyang uuwi sa Abril 30 (coronation night) kasama ang beauty queen girlfriend, bilang isa sa hurado ng Mister & Miss Esquire 2019.

-Reggee Bonoan