NALI-LINK pa lang si Leila Alcasid, anak nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren sa DJ/singer na si Curtismito at wala pang kumpirmasyon kung may relasyon nga ang dalawa, pero may mga nagne-nega na.

Leila Alcasid

May nag-comment na older si Curtismito kay Leila, na totoo naman dahil four years daw ang tanda ni Curtismito kay Leila.

Isa pang iniisyu ng netizens kay Curtismito ang pagiging Marcos apologist daw nito. Nagtatanong ang netizens kung alam ba ito ni Ogie?

Karina Bautista, PH navy reservist na

Nabisto ang pagkaka-link ni Leila kay Curtismito sa picture ng una sa Instagram (IG) na obvious na magkasama sila sa bakasyon. Nag-post din si Leila ng picture ni Curtismito sa IG niya, at kahit walang caption, tinukso pa rin sila ng kanilang mga kaibigan.

Alam na ni Ogie na nakikipag-date si Leila. Pero sa isang interview sa kanya, hindi binanggit ni Ogie ang pangalan ng guy.

“I talk a lot to the man and he’s respectable, he’s respectful, he’s very responsible,” sabi ni Ogie.

“I think they’re good for each other. I think they help each other out emotionally, spiritually, and I like that.

“I talk to her once in a while just so she can get a point of view of a man and this is how we think. Obviously having a relationship is a commitment so it takes a lot of your millennial time you know. I’m happy.”

Nitz Miralles