KABUUANG 24 koponan – tig-12 sa babae at lalaki – ang maghahangad ng tagumpay sa pagpalo ng Beach Volleyball Republic On Tour Santa Fe Open ngayong weekend.

MULING masisilayan ang kayumihan at kahusayan ni Jonah Sabete ng PetroGazz sa pagbabalik ng aksiyon ng BVR on Tour Santa Fe Open ngayong weekend. (BVR PHOTO)

MULING masisilayan ang kayumihan at kahusayan ni Jonah Sabete ng PetroGazz sa pagbabalik ng aksiyon ng BVR on Tour Santa Fe Open ngayong weekend. (BVR PHOTO)

Sa ikatlong pagkakataon, gaganapin ang pamosong beach volleyball series sa Beach Placid Resort sa malaparaisong Bantayan Island sa Cebu kung saan sentro ng atensyon ang mga dating naging kampeon dito na sina Bea Tan at Dij Rodriguez ng Negros, gayundin ang tambalan nina Ranran Abdilla at Jessie Lopez ng Air Force.

Sabak din ang PetroGazz, Cebu, Visayas, National University, Cebu, Bacolod, University of San Carlos, Southwestern University at Russia.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kumpiyansa si Cebu Provincial Sports Commission commissioner Nimrod Quiñones na magiging matagumpay ang hosting ng lalawigan, higit at determinado ang organizers na maipakita ang kagandahan ng lalawigan sa local at international tourist.

“The CPSC continues to support BVR on Tour because volleyball is one of the most popular sports in Cebu. Beach volleyball is also a major crowd drawer and is in line with our thrust to push sports tourism,” pahayag ni Quiñones.

“While the CPSC is working hard to develop our grassroots sports, these events featuring the elite athletes are part of the program as it gives our athletes and opportunity to see the best players up close and learn from them,” aniya.

Nadomina ng Visayan-based squads ang Santa Fe leg sa nakalipas na season matapos angkinin ng UNO-R’s Alexa Polidario at Erjane Magdato ang women’s side, habang matikas sina Jade Becaldo at Calvin Sarte ng Cebu sa men’s class.

Batay sa tournament format, igugrupo ang 12 koponan sa apat na brackets para sa single round-robin. Ang mangungunang dalawang koponan sa bawat grupo ay uusad sa quarterfinals at ang mananalo ay sasabak sa semifinals.

Ang Finals at para sa ikatlong puwesto ay winner-take-all.

Para sa karagdagang detalye at livestream ng BVR On Tour’s Santa Fe Open, buksan ang Facebook, Twitter at Instagram accounts