MATIKAS na sinimulan ni Fide Master Nelson “Elo” Mariano III ang kampanya tungo sa matikas na panalo sa Open dibisyon (2000 and above rwating), habang nakamit ni Roberto Manguiob ang titulo sa Challenger’s dibisyon (1900 and below) sa third leg ng 2019 Alphaland (PECA) National Executives Grand Prix Chess Championships kamakailan sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City.

Sina Mariano at National Master (NM) Bob Jones Liwagon, isang Captain officer rank sa Philippine Army, na pinamumunuan nina Col. Florentino Mendez Jr, Acting Chief; Army Real Estate Office at Army Judge Advocate (AJA) Colonel Maria Victoria Girao , ay kapwa nakapatagtala ng tig 4.5 puntos sa 6 rounds subalit si Mariano ang idineklarang kampeon dahil mas mataas ang tie-break points.

Nakapagbulsa sina Mariano at Liwagon ng tig P6,000 matapos paghatian ang combined P12,000 cash prize para sa top two finishers sa Open division (2000 and above rating) sa one-day rapid event na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) sa pangangasiwa ni Dr. Jenny Mayor.

Magkasalo naman sina Allen Gandia at Dandel Fernandez sa third at fourth na may tig 4.0 points habang sina Mark Anthony Yabut at National Master (NM) Robert Arellano ay may identical 3.5 points para sa 5th hanggang 6th place kung saan ay tumapos naman si National Master (NM) Efren Bagamasbad na may three points para sa 7th place.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Sa Challenger’s section, 1900 and below limit rating, magkasalo sina Manguiob at MSI Konstruct president Engr. Mark Oliver Ingcad sa top honors na may tig 5.0 points sa six outings.

Nasikwat ni Manguiob ang titulo dahil sa superior tiebreak score.