MEMPHIS, Tenn. (AP) — Naisalba ng Memphis Grizzlies ang pananalasa ni James Harden sa nakubrang 57 puntos sa makapigil-hiningang 126-125 panalo kaban sa Houston Rockets sa overtime nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).
Hataw si Mike Conley sa natipang 35 puntos, habang kumana si Jonas Valanciunas sa career-best 33 puntos, tampok ang krusyal na free throw na nagpanalo sa Memphis.
Naihatid si Valanciunas sa free throws may 0.1 segundo sa extra period nang ma-foul ni Clint Capela sa ilalim ng basket. Sumablay ang ikalawang tira ni Valanciunas, ngunit wala nang oras para sa Houston.
Nag-ambag si Chris Paul na may 18 puntos at pitong assists para sa Houston, naglaro na tangan ang three-game winning streak, habang umiskor si Capela ng 14 puntos at 10 rebounds.
RAPTORS 123, THUNDER 114 OT
Sa Oklahoma City, ratsada si Pascal Siakam sa nahugot na 33 puntos at 13 rebounds, habang nag-ambag si Fred VanVleet ng 23 puntos at anim na assists para sandigan ang Toronto Raptors laban sa Thunder sa overtime.
Nabitiwan ng Raptors ang kapit sa 20 puntos na bentahe sa second half, ngunit naging matatag sa extra period para sa panalo.
Natuldukan ang four-game winning streak ng Atlantic Division-leading Toronto sa kabila nang hindi paglalaro ni star point guard Kyle Lowry, nagtamo ng injury sa paa sa panalo sa New York Knicks nitong Lunes.
Nanguna si Paul George sa Oklahoma na may 19 puntos.
BLAZERS 126, MAVERICKS 118
Sa Portland, tinupok ng Blazers, sa pangunguna ni Damian Lillard na may 33 puntos at 12 assists, ang Dallas Mavericks.
Kumabig si Seth Curry ng 20 puntos off the bench sa Blazers (44-27), umaasam ng home-court advantage sa first round ng playoffs.
Nagsalansan si Luka Doncic ng 24 puntos sa Mavericks, nabigo sa siyam na pagkakataon sa huling 10 laro, para manatili sa ilalim ng Western Conference standings.
HEAT 110, SPURS 105
Sa San Antonio, ratsada si Goran Dragic sa naitumpok na 22 puntos para sandigan ang Miami Heat sa impresibiong panalo laban sa Spurs.
Pinutol ng Heat ang nine-game winning streak ng Spurs at umuwing tagumpay si Dwyane Wade na naglaro sa posibleng huling pagkakataon sa San Antonio.
Nag-ambag sina Dion Waiters ng 18 puntos at Josh Richardson na may 15 puntos.
Nanguna sa Spurs sina LaMarcus Aldridge na may 17 puntos, Demar DeRozanna may 16 puntos at Marci Belinelli.