ILAN lang sina Pilita Corrales at Mommy Carol Santos, ina ni Judy Ann Santos, sa mga lola na itinampok kamakailan sa morning talk show ng ABS-CBN, ang Magandang Buhay.

Carol at Judy Ann

Madalas nating marinig kung paano pinalaki ng mga lola ang kanilang mga apo na nahihiwalay sa kanilang mga magulang dahil nagtatrabaho sa abroad. Ang resulta, parang nanay ang turing nila sa kanilang mga lola.

Pero paano kung celebrity ang apo, o ang mismong lola?

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Saang kategorya mapapabilang ang music icon na si Pilita, who still looks glamorous all these years?

“Ako ang tipo ng lola who doesn’t give advice unless they ask for it. At kung kailangan nila ang tulong ko, they can approach me anytime, anywhere,” sabi ni Pilita.

Istrikto naman si Mommy Carol, at inaming medyo ilag o kinatatakutan siya ng kanyang mga apo.

“Kung disiplinado man ako ay para na rin ito sa kanilang kabutihan, dahil gusto kong lumaki sila nang maayos.”

Kung anuman ang paraan ng pagpapalaki ng dalawang celebrity lola sa kanilang mga apo ay isang bagay ang gusto nilang iparating sa kanilang mga apo: “We love them very much

-REMY UMEREZ