SINAGOT ni Kris Aquino ang tanong ng isa niyang follower sa Instagram (IG) na dahil nagle-let go na siya sa negativity sa buhay niya, ibig ba raw sabihin, patatawarin niya si Korina Sanchez “especially now that she is embarking on motherhood as well”?

Kris at Korina

Sagot ni Kris: “May I be perfectly honest? I need to repair my relationship with my brother first. Signing off for now.”

Hindi malinaw sa tao kung ano ang cause ng rift nina Kris at former President Noynoy Aquino. Last year pang may conflict ang magkapatid na in fairness, walang nagtatanong kay Kris ‘pag siya ay nai-interview.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Umaasa ang lahat na magkakaayos ang magkapatid, pero nabanggit ni Kris na pagdating sa mga anak niyang sina Josh at Bimby, kinakalimutan ni Noynoy ang tampo kay Kris at nakikipagkita sa mga pamangkin.

Samantala, lumipad na si Kris kahapon kasama ang mga anak para magbakasyon, magpahinga at magpalakas para sa kanyang kalusugan at sa susunod niyang medical evaluation sa April o May.

-NITZ MIRALLES