TAMA ang nabanggit ni Ogie Alcasid na mas sisikat pa si Juan Karlos Labajo pagkatapos nitong murahin ang isang audience sa concert nito with his band. Sunud-sunod ang isyu kay JK at nitong huli, may death threat na rin siya.

JK copy

Pinost ni JK ang pagmumura sa kanya ng isang netizen na ang sabi, “P---. PAPATAYIN KITA HUMANDA KA SA GIG MO PAPASABUGIN KO ‘YUN WALA AKONG PAKE SA DAMI NG MAMAMATAY MAPATAY LANG KITA.”

Sagot ni JK: “Beshie huli ka na, palagi kaming may pasabog sa mga gigs namin ‘di ka namin need. Luv u 2 thnx bye.” Na sinundan pa niya: “Basta kung ganyan ang ugali, alam n’yo na kung kaninong fan ‘yun. ‘Pag may mangyari man sa ‘kin kilala n’yo na kung sino paghihinalaan n’yo. #WalangMakakataloSaWapakRangers #BatoBatoSalmpyernoAngMatamaanGago.”

Al am n g mg a nakabasa kung sino ang tinukoy ni JK na idol daw ng nagbanta s a k a n y a . P e r o k u n g t o t o o mang fan ni Darren Espanto ang nagbanta kay JK, kailangan pa rin niya itong i-report. Ang daming nangyayaring krimen ngayon, maiinit ang ulo ng tao dahil summer. Mabuti na ang nag-iingat lalo na at expose si JK sa mga gig nila.

Tsika at Intriga

Testing the waters? Kampo ni Sarah Geronimo, nilinaw usap-usapang tatakbo siya sa eleksyon

Sana rin, maayos na ang isyu sa kanila ni Darren, kaya lang, may nabasa kaming ‘tila magdedemanda na ang parents ni Darren kay JK.

-Nitz Miralles