NAKASARGO si veteran cue artist Roland Garcia ng slot sa 10-ball competition ng Southeast Asian Games sa ginanap na qualifying meet kamakailan sa Gameball sa PSC building sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate,Manila.

Ang ipinagmamalaki ng Magalang, Pampanga na si Garcia ay nakaungos kay Jonas Magpantay ng Bansud, Oriental Mindoro, 8-6, sa qualifying tournaments para makakuha ng silya sa main draw.

Tinalo rin ni Garcia sina Mario Tolentino, 8-3, at Alex Navarrete, 8-3, para makatapat si Magpantay. Si Magpantay, two-time USA World Junior representative, ay una munang giniba sina Jeffrey Ignacio, 8-7, at Jeffrey de Luna, 8-7.

Dahil sa natamong tagumpay, si Garcia na mas kilala sa tawag na “Kabuto” sa pool world ay naka abante sa main draw ayon kay Jesse Gonzales Cambosa Sr., director ng Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) sa magiting na pamumuno ni Philippine Billiards God Father Aristeo “Putch” Puyat.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

May pagkakataon namang maka-resbak si Garcia sa pakikipagtapat kay Carlo Biado sa main draw sa Marso 25 at 26. Natalo si Garcia kay Biado, 13-5, sa finals ng 2017 World 9-Ball Championships sa Doha, Qatar.

N aghihintay sa mainf draw ang mga pamosong cue masters na sina Efren Reyes/ Francisco Bustamante, Warren Kiamco/Dennis Orcollo at Johann Chua/Carlo Biado) para may pagkakataon katawaning ang bansa 9 ball doubles sa SEAG 2019.