July 25, 2026

Home BALITA Metro

Kasambahay, tiklo matapos umanong dekwatin alahas ng kaniyang amo

Kasambahay, tiklo matapos umanong dekwatin alahas ng kaniyang amo
Photo courtesy: Unsplash


Inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) noong Miyerkules, Hulyo 1, ang isang household worker sa Quezon City matapos ang umano’y pagnanakaw nito sa mga alahas ng kaniyang amo sa Greenmeadows Subdivision, Barangay Ugong Norte.

Batay sa ulat na ibinahagi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) noong Huwebes, Hulyo 2, napag-alaman ng biktimang nawawala ang kaniyang mga alahas—na hindi pa tukoy kung magkano ang halaga—habang siya ay nagsasaayos ng kaniyang mga personal na gamit.

Matapos nito, agad niyang inalerto ang security personnel ng subdivision—na siyang dumampot sa suspek at dinala siya sa QCPD Eastwood Police Station (PS 12) para sa pagsasampa ng reklamo.

Base sa paunang imbestigasyon, nasa tatlong buwan nang naninilbihan bilang kasambahay ang suspek sa kaniyang amo.

Ayon naman kay NCRPO Regional Director Anthony Aberin, kinikilala niya ang mabilis na pag-aksyon ng mga awtoridad sa naturang pangyayari.

"Crimes against property demand the same urgency as any other offense because they undermine the public's sense of security. We assure our communities that every report will be acted upon promptly, and every available legal measure will be pursued against those responsible," saad ni Aberin.

Metro

‘Shortened operations,’ ipinatupad sa LRT-2 ngayong Hulyo 25



Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek, habang maiging iniimbestigahan ang kaniyang kaso.

Nahaharap siya sa kasong Qualified Theft, sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code (RPC).

Isinasagawa na rin ang isang follow-up operation upang marekober ang mga nawalang alahas.