July 15, 2026

Home BALITA

Presyo ng diesel, nakaambang sumirit sa susunod na linggo!

Presyo ng diesel, nakaambang sumirit sa susunod na linggo!
Photo courtesy: Unsplash

Nagbabadyang tumaas ang presyo ng diesel sa susunod na linggo habang patuloy namang makakaranas ng rollback sa presyo ng gasolina ang mga motorista.

Ayon sa datos na inilabas ng Mean of Platts (MOP) Singapore, nakabatay sa paggalaw ng foreign exchange ang presyo ng diesel na nakaambang sumirit ang presyo mula ₱1 hanggang ₱3 per liter sa Hulyo 7.

Habang ang presyo naman ng gasolina ay naglalaro sa ₱1 ang maaaring asahang rollback.

Ayon sa mga analyst, bagama't nagpapatuloy ang peace talks sa pagitan ng Iran at US, malakari rin umano ang magiging ambag sa kalakaran ng langis kung makikipag-ugnayan ang dalawang bansa sa Qatar.

Sa Pilipinas, matatandaang nagtakda na ng weekly price adjustments ang Department of Energy (DOE) magmula nang ianunsyo ng pamahalaan ang state of energy emergency bunsod noon ng sigalot sa Middle East.

Atty. Poa, pinaliwanag matipid na sagot ni VP Sara sa mga puna

Ayon sa DOE, ang price adjustment ay maglalaro na lamang sa ₱2 upang  masabayan ang pangangailangan ng ilang oil companies.