DADAYO sa Thailand ang tubong Mindoro Oriental na si JR Magboo upang kasahan si dating world ranked Anurak Thisa para sa bakanteng WBA Asia featherweight title sa Marso 23 sa Bangkok.

Ito ang unang laban ni Magboo mula nang talunin sa 2nd round TKO ni world rated George Kambosos Jr. noong Hulyo 15, 2018 sa Axieta Arena, Kuala Lumpur, Malaysia sa undercard ng sagupaan nina Pambansang Kamao Manny Pacquaio at ang pinagretiro niyang si Lucas Mattysse ng Argentina.

Mabigat na karibal si Thisa na kailangang patulugin ni Magboo upang maiuwi ang titulo at WBA world rankings.

May rekord si Magboo na 17-2-2 na may 8 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Thisa na may kartadang 22 panalo, 1 talo na may 8 pagwawagi sa knockouts.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

-Gilbert Espeña