NEW YORK (AP) — Hindi na bago kay LeBron James ang sitwasyon. Sa huling 7.4 segundo, nasa kamay niya ang pagkakataon upang maipanalo ang Los Angeles Lakers.
Laban sa pinakakulelat na koponan, kailangan ng No. 4 scorer sa kasaysayan ng NBA ang makapuntos para manalo.
Sa harapan niya na dumedepensa ang isang journeyman na halos ibinuhos ang buong career sa bench ng Knicks. Tulad ng inaasahan, sinagasaan ni James ang depensa, ngunit sa pagkakataon ito, hindi man lang tumama sa rim ang tira ni James.
Butata. Nagawang mapigilan ni Mario Hezonja ang sana’t game-winning shot ng four-time MVP, sapat para maisalba ng New York Knicks ang tikas ni James at makumpleto ang come-from behind win sa manipis na 124-123 panalo nitong Linggo (Lunes sa Manila).
“To beat a great player, sometimes you’ve got to do the unexpected and you’ve got to make big plays,” pahayag ni Knicks coach David Fizdale. “because you know that they’re gearing up to make a big play.”
Abante ang Lakers ng 11 puntos tungo sa huling 3:15 ng laro sa final period, ngunit nakabalik ang Knicks matapos ang serye ng depensa kay James, kabilang ang blocked shot ni DeAndre Jordan sa huling isang minuto ng laro, Nagmintis din si James sa depensa ng Knicks dahilan para maagaw ng karibal ang isang puntos na bentahe tungo sa krusyal na sandali.
Tumapos si James na may 33 puntos, walong assists at anim na rebounds sa kanyang pagbabalik aksiyon matapos ang isang larong pahinga.
“He just missed shots,” sambit ni Hezonja. “If you are saying that you are the reason that he is missing shots, you are an idiot.”
Nanguna si Emmanuel Mudiay sa Knicks sa naiskor na 28 puntos at walong assists para tuldukan ang eight-game losing skid ng New York.
Hataw si Kyle Kuzma ng 18 puntos para sa Lakers, nabigo sa ikatlong sunod at ikawalo sa huling siyam na laro.
ROCKETS 117, WOLVES 102
Sa Houston, ginapi ng Rockets, sa pangunguna ni Chris Paul na tumipa ng 25 puntos at career high anim na three-pointers at 10 assists, ang Minnesota Timberwolves.
Dikit ang laro sa first half at isang puntos lamang ang bentahe ng Rockets sa halftime, bago muling umarangkada sa sa third quarter para hilahin ang bentahe sa 15 puntos.
Kumana si James Harden ng 20 puntos at 10 assists.
Nanguna si Karl-Anthony Towns sa Wolves ba may 22 puntos at 10 rebounds .
SIXERS 130,BUCKS 125
Sa Milwaukee, naitala ni Giannis Antetokounmpo ang career-high 52 puntos, ngunit inagaw ni Joel Embiid na may 40 puntos at 15 rebounds ang kasiyahan sa krusyal na panalo.
Kumubra si Jimmy Butler ng 27 puntos, JJ Redick (19) at Tobias Harris (12).
Nagsalansan si Embiid ng 18 puntos, habang tumipa si Butler ng 14 puntos para sa Sixers, gayundin sina Khris Middleton na may 13 puntos at Brook Lopez na kumana ng 11 sa Bucks.
PISTONS 101, Raptors 107
Sa Detroit, kinumpleto ng Detroit Pistons ang season sweep laban sa Toronto Raptors.
Hataw si Blake Griffin sa nakubrang 25 puntos, habang tumipa si Andre Drummond ng 15 puntos at 17 rebounds gayundin si Reggie Jackson na may 20 puntos.
Sa iba pang laro, tinupok ng Miami Heat ang Charlottle Hornets, 93-75;