SA guesting ni Bayani Agbayani sa Tonight With Boy Abunda kamakailan, nagkuwento ang komedyante kay Boy Abunda tungkol sa napapabalitang tampuhan nila ni Alex Gonzaga.

Bayani Agbayani at Alex

“Kaibigan ko si Alex. Nagkataon lang na may ginawa kaming kanta ni Kean Cipriano, ‘yung Ulo- Ulo.’”

Kuwento ni Bayani, balak nila ni Kean na “ i -promot e nang husto” ang Ulo-Ulo, pero ini-release ni Alex ang Chambe- C h a m b e , n a pumatok sa mga tao.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“[Sabi ko kay Ke an] ‘Huwa g muna natin ilabas, [kasi] ‘yung Ulo-Ulo natin baka pulutin sa kangkungan’,” kuwento ni Bayani, na sinagot ng halakhak ni Tito Boy.

“An g ma a n o lang kay Alex, ‘yung alam niya na meron na kaming Ulo- Ulo, gumawa a g a d n g C h a m b e - C h a m b e , s o parang gusto niya siya lang ang sumikat. ‘Yun ang napansin ko,” pabiro pang sabi ni Bayani.

Bukod sa issue ng kanta, may isa pa raw tampo si Bayani kay Alex.

“Parang ginagamit pa niya kami sa mga blog niya. Lagi kaming kasama sa blog niya, pero ni singko, kahit anong sandwiches man lang, hindi kami pinapakain,” himutok ng komedyante, na bida sa Pansamantagal ni Direk Joven Tan, na showing na on March 20.

“Halimbawa, uwian na ng I Can See Your Voice. Puwede na kaming umuwi sa mga pamilya naming, kasi pagod na kami. Sabi niya, iipunin niya kami, ‘puwede ba sumama kayo dito sa blog? Kanta tayo ng Queen kasi sikat na sikat sila ngayon, eh’.”

Sinabi ni Bayani na sumikat nang todo ang ginawa nilang video.

“Sumikat at talagang nag-trending sa YouTube, [pero] ni ha ni ho, wala!” aniya.

Puwede rin daw makulong si Alex dahil sa mga ginawa nito kay Bayani. “Sinabi ko po sa abogado ko po ‘yan, puwede raw po makulong si Alex. Ang kaso, trangkaso,” biro ni Bayani.

S a h u l i , k u m a m b y o naman si Bayani sa kanyang mga sinabi: “’Di ko po alam, Tito Boy, biro lang po. Mahal na mahal po natin si Alex.”

Nabanggit din ni Bayani sa nasabing panayam na nauna nilang inilabas ang Ulo-Ulo kaysa Chambe-Chambe ni Alex, at pumasok pa nga ito sa Top 10 ng Spotify.

-ADOR V. SALUTA