Nagkagutay-gutay ang dalawang katao matapos magkaroon ng pagsabog sa Barangay San Roque, Sto. Tomas, Batangas, ngayong Lunes ng umaga.
Sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), patuloy pa ring kinikilala ang mga bangkay ng dalawang biktima ng pagsabog na naganap sa loob ng Madison Garden Subd., dakong 11:00 ng umaga.
Sa imbestigasyon, kumalat san aturang lugar ang mga parte ng katawan ng dalawang biktima.
Sa Facebook post nina Marivic Morales Cuaton, may mga buhok ding nakakalat sa lugar.
Inilabas din ni Rollie Isip Yabut sa social media ang insidente ilang minuto matapos ang pagsabog.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang uri ng pampasabog na yumanig sa loob ng konkretong bakuran kung saan may mga bahay na abandonado.
-Lyka Manalo