SINIMULAN ang selebrasyon ng ika-70 anibersaryo diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at ng South Korea ngayong taon sa pamamagitan ng paghahandog ng libreng concert sa Manila, na pinangunahan ng tatlong K-pop group kasama ang isang Pinoy rock band.
Dinaluhan ng NCT Dream, NOIR at APRIL, at ng Silent Sanctuary ang diplomatic community, mga opisyal ng gobyernom bisita at fans sa selebrasyon ng naturang event sa 2019 K-pop Friendship Concert sa Manila na ginanao noong March 7 sa Mall of Asia Arena.
Kabilang sa mga bisita sina Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-man, First Vice Minister Kim Yong-sam of Korea’s Ministry of Culture, Sports and Tourism (MCST), Ambassador-designate Vasin Ruangprateepsaeng ng Thailand, Ambassador Giorgio Guglielmino ng Italy, Ambassador Mohammad Tanhaei ng Iran, newly appointed Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, at National Commision for Culture and the Arts (NCCA) Commissioner Victorino Manalo.
“Ang taon na ito ay ika-70 taong anibersaryo ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Korea. Ang Korea ang numero unong source ng turista ng Pilipinas. Ang Korea din ang ikaapat na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas. Ang Korean Wave tulad ng K-pop, Korean telenovela, K-toon at K-cosmetics ay sikat sa Pilipinas. Ang isa sa aking trabaho ay pagpapalaganap ng Korean Wave sa bansa. Mahal na mahal ko kayo,” pahayag ni Ambassador Han.
Ayon kay First Vice Minister Kim, itinalaga ng MCST at NCCA ang taong 2019 bilang ang Korea-Philippines Year of Mutual Exchange at ang K-pop concert sa Manila ang opening event ng pagdiriwang, dahil magkakaroon din ng Korean Film Festival at Taekwondo Culture Festival ngayong taon.
Nagsimula noong March 3, 1949 ang diplomatic ties sa pagitan ng dalawang bansa nang kilalanin ng Pilipinas ang Republic of Korea (established on Aug. 15, 1948), ang unang ASEAN member na gumawa ng naturang hakbang.
Sinundan ito ng pagpapadala ng Pilipinas ng 7,400 sundalo sa South Korea noong kasagsagan ng Korean War.
Ang 2019 K-pop Friendship Concert sa Manila ay inorganisa ng MCST katuwang ang NCCA, Embassy of the Republic of Korea in the Philippines at ng Korean Cultural Center in the Philippines, at ito produced ng Pulp Live World.
-JONATHAN HICAP