HINDI nakatiis si Jessy Mendiola na hindi sagutin ang comment ng isang netizen na baka titigil lang sa pamba-bash sa kanya ‘pag inamin niyang inagaw niya si Luis (Manzano) kay Angel (Locsin). Hindi raw satisfied ang bashers sa mga sagot ni Jessy at kailangan ng tao ng malaking sagot niya para manahimik.

Jessy at Angel

Buwelta ni Jessy sa trolls: “Bakit ako aamin ng hindi totoo? ‘Yung mga basher hindi nila alam ang totoong nangyari. Bakit ako aamin para lang tumigil sila? Para lang manahimik sila? Ang basher kahit anong sabihin mo hindi nila tatanggapin ‘yun. Ilang beses ko nang sinagot sa mga interviews noon ang nangyari, pero naniwala ba sila? Hindi. Kaya dapat ipasa-Diyos nalang ‘yan, nakikita naman niya lahat. Good vibes lang, let go mo na ‘yang issue na ‘yan. Happy na kaming lahat.”

Humirit pa ang netizen na “’di naman talaga totoo pero ‘yun nasa isip nila kasi sarado sila ng pag-iisip, ang gusto nila marinig ‘yung nasa isip nilang siniksik lang nila sa maruming utak nila.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sumagot uli si Jessy ng “kaya hayaan mo na lang maniwala sila sa gusto nilang paniwalaan kahit pa mali o hindi totoo. God b l e s s you.”

Binura rin ni Jessy ang comment na ‘yun sa kanyang Instagram (IG) account. Bad trip nga naman kung may nahahalong negative comments sa mga positive comments na naka-post sa kanyang mga post.

Speaking of Jessy, sa April 10 na ang playdate ng movie nila ni Arjo Atayde na Stranded sa Regal Entertainment at si Ice Idanan ang direktor nito.

-NITZ MIRALLES