KABUUANG walong batang players mula sa 1,000 kalahok sa South Luzon leg na ginanap nitong weekend sa Manuel Enverga University Foundation sa Lucena City ang napili para makasama sa National Camp ng Jr. NBA Philippines 2019, sa ayuda ng Alaska.
Kinakitaan ng kahusayan at magandang character ang apat na batang lalaki at apat na babae sa isinagawang training camp. Makakasama sila sa National Training Camp sa Don Bosco Technical Institute Makati sa Mayo 17-19.
Kabuuang 40-boy at 40-girl ang pipiliin para sa training pool.
Sa National Camp, pipili ng players na bubuo sa Jr. NBA Philippines All-Stars na sasabak sa first Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Qualifiers kung saan lahaok din sa selection camp sa Hunyo ang ustralia, Indonesia, Malaysia, Philippines, Thailand at Vietnam.
Sa Asia Pacific regional competition, pipili ng grupo para maipadala sa Jr. NBA All-Stars at pagkakataon na makapanood sa NBA World Championships sa Aug. 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World sa Orlando, Florida. Kalahok sa World event ang United States, Canada, Latin America, Europe, the Middle East, China, Mexico, Africa, India at ang Asia-Pacific.
Inaanyayahan ang mga kabataan na may edad 10-14 anyos na makilahok sa nakalinyang Regional Selection Camps sa Baguio (March 23-24), Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 13-14) at Metro Manila (April 27-28) sa pamamagitan ng pagpapatala sa www.jrnba.asia/philippines.
Narito ang kompletong talaan ng walong napili mula sa Regional Selection Camp sa Lucena City.
(BOYS)F rince Oliver Bueza, 13, International School for Better Beginnings; Ivan Rhoss Rosales, 14, International School for Better Beginnings; Karl Yuan Llanes, 13, De La Salle Lipa; Lionel Matthew Rubico, 14, De La Salle Lipa.
(GIRLS) Krizza Mae Bellen, 13, Dr. Mariah D. Pastrana National High School; Tiffany Jolie Lacsamana, 13, Palawan State University Laboratory and Elementary School; Nicole Rosaldo, 14, Maryhill College; Karylle Sierba, 13, Manuel S. Enverga Memorial School of Arts and Trades.