SA wakas, nabigyan na rin ng ABS-CBN ng project si Keempee de Leon sa seryeng Nang Ngumiti ang Langit, na ipapalit sa magwawakas nang Playhouse nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo.

Joey copy

Sa panayam ng Push kay Keempee, kinumpirma niya ang pagiging ganap nang Kapamilya artist muli, dahil 2002 pa ang huling project niya sa ABS-CBN, ang Klasmeyts.

Hindi pa iniri-reveal ang listahan ng buong cast kaya naitanong sa comebacking Kapamilya kung sinu-sino ang nais niyang makasama sa kanyang pagbabalik?

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Actually lahat eh, lahat ng mga taga-ABS, gusto kong makatrabaho. Pero siyempre, ako naman hindi namimili. So kung anong ibigay sa akin, thankful ako,” sey ni Keempee.

Maaalalang nag-trending kamakailan lang ang Instagram post ng kanyang amang si Joey de Leon na ibinahaging nagsimula rin siya sa ABS-CBN noon.

“Kasi naitago niya naman talaga ‘yun, ‘yung certificate na nagtarabaho siya rito, ‘yun ‘yung unang suweldo niya,” pagkumpirma ni Keempee sa post ng ama.

“Nu’ng giniba na ‘yung isang part ng CR sa ABS-CBN, may mga logo sa tiles na nu’n e, ABS-CBN logo. Itinago niya ‘yung isang tile na pinagbakbakan,” pambubuking ni Keempee sa ama.

Mapapanood ang Nang Ngumiti ang Langit, Mondays to Fridays, bago mag-It’s Showtime.

-ADOR V. SALUTA