Pagpipinta ang nagbigay-daan upang magsama-sama ang nasa 12 doktor ng Western Visayas para sa isang exhibit at isulong ang paghilom sa pamamagitan ng sining.
Tinawag na “After Clinic Group”, itinutu
ring ng mga doctor-artists ang ganda ng buhay sa pamamagitan ng kanilang art exhibit, ang “Healing and beyond: Prescriptions on Canvass” sa Museo de Iloilo.
Naka-exhibit ang mga sining na likha ng grupo upang makalikom ng pondo para sa mga katutubong pasyente, ayon kay Dr. Eva Catedral, miyembro ngnasabing grupo, sa isang panayam.
Tinawag na “After Clinic” ang grupo dahil kalimitang nagkikita ang mga miyembro nito tuwing alas-siyete ng gabi o matapos ang kani-kanilang duty sa mga klinika at ospital, aniya.
Bilang isang opthalmologist, kabilang sa mga ipinipinta ni Catedral ang mga sakit na may kaugnayan sa mga mata.
Ilan sa kanyang mga obra ay naglalarawan ng nakikita ng isang pasyente na may sakit tulad ng glaucoma, astigmatism, cataract, o color blindness.
“Even when a person has an eye problem, it is not at all dark and dreary. There are still lines and forms. There is still beauty,” paliwanag niya.
Para naman kay Dr. Dureza Abad, isa pang miyembro ng After Clinic, mainam na paraan ang sining upang matulungan ang mga pasyente, lalo na ang mga dumaranas ng depresyon.
Hangad din niyang maimpluwensyahan ang mga millennials, na nagbibigyan ng “high expections” mula sa lipunan, upang mailabas ng mga ito ang hirap at stress sa pamamagitan ng pagpipinta.
“Probably we could influence them on how to deviate and how to control their emotions through art,” aniya.
Bilang isang neurologist sa lungsod, sinusubukan ni Abad na gamitin ang kanyang “left logical brain” at “right artistic brain”.
“We may look calm in the outside but our system also complains with the stress in our work. The stress manifests in form of sickness that’s why Iwant to be in relax mode. Ifound healing in painting. Painting has connection, the healing power,” aniya.
Bukod sa larangan ng ophthalmology at neurology, may mga miyembro rin ang After Clinic Group na nasa internal medicine.
Ayon kay Catedral, bukas ang kanilang grupo sa iba pang ‘doctor-artists’.
Samantala, magtatapos naman ang exhibit ng grupo sa Marso 28.
PNA