MATAPOS ang fourth place finish sa first leg ng 2019 National Age-Group Chess Championships (NAGCC)- Luzon Leg na ginanap sa Pacific Mall sa Legazpi City, Albay nitong Linggo, handa na si Philippine chess wizard Clark Jimuel Cabatian sa second leg ng 2019 National Age-Group Chess Championships (NAGCC)- Luzon Leg na gaganapin sa March 28 hanggang 30 sa Dasmariñas City, Cavite.

CABATIAN: Pambato ng Cavite

CABATIAN: Pambato ng Cavite

Isa sa top players ng General Trias City Chess Club under the guidance nina PH chess coach Ederwin Estavillo, General Trias City mayor Antonio “Ony “ Ferrer, incumbent 6th District congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, sports head Lhen Muralla Kempiz at ng Mariners Transport , ang 8 years old Clark Jemuel ay muling mapapalaban sa country’s young woodpushers na magsisilbing punong abala si Dasmariñas City, Cavite mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr.

Si Clark Jemuel na Grade 3 student ng John Isabel Learning Center ay nakisalo sa liderato kina eventual champion Mark Gabriel Usman at Al-Basher Buto papunta sa fifth at penultimate round ng 2019 National Age-Group Chess Championships (NAGCC)- Luzon Leg na ginanap sa Pacific Mall sa Legazpi City, Albay.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Subalit natalo si Clark Jemuel kay Usman para mawala sa kontensiyon sa titulo. Nakipaghantian ng puntos si Clark Jemuel kay King Whisley Puso sa sixth at final round para makisalo sa 4th hanggang 6th placers na kinabibilangan nina fellow four pointers 5th place Julie Gelua at 6th place Prince Ethan Baay na kanyang dinaig sa tie break points.

Habang giniba naman ni Usman si Perez sa final canto para magwagi sa six-round tournament na may 5.5 points na nagsilbing punong abala si Legaspi City mayor Noel Rosal.

Tabla din si Buto kontra kay James Gilbert Bragais para makopo ang solo second place na may 5.0 points, kalahating puntos ang angat kay 3rd placer Bragais na may 4.5 points.

Sina Usman, Buto at Bragais, ang Top three (3) winners sa Boys Under-10 ay naka abante sa Grand Finals. Ang Top three (3) sa Grand finals ang kakatawan sa bansa sa 20th Asean Chess Age-Group Chess Championships na gaganapin sa Malanday, Myanmar sa Hunyo 9 hanggang 19.

Ang tournament director ay si Grandmaster Jayson Gonzales sa pakikipagtulungan ni Asia’s First Grandmaster Eugene Torre.