July 24, 2026

Home FEATURES Trending

#BalitaExclusives: Reklamo sa Meralco bill usap-usapan; 0 kWh ang konsumo, may babayaran pa rin?

#BalitaExclusives: Reklamo sa Meralco bill usap-usapan; 0 kWh ang konsumo, may babayaran pa rin?
Photo courtesy: Chester Babiera Tan (FB)

“Gaano ka-gahaman sa pera ang Meralco?” 

Ito ang mainit na tanong ng isang netizen sa kaniyang viral post noong Lunes, Hunyo 29, matapos niyang ipakita ang litrato ng kaniyang electric bill sa nagdaang buwan ng Mayo. 

Sa nasabing post, makikitang nakalagay na may kailangang bayaran na ₱702.10 ang netizen na si Chester Babiera Tan bagama’t wala o 0 kilowatt-hour (kWh) ang naitalang actual consumption ng kuryente sa kanilang reading. 

Isa pa sa umagaw ng kaniyang pansin, ang ₱677.99 sa breakdown ng kaniyang bill, na makikita sa “other charges” na parte nito, bukod pa sa ₱21.38 na “distribution” charge. 

Sa maikli at eksklusibong panayam ng Balita kay Chester, ibinahagi niyang paupahan ang linyang gumagamit ng bill at sa kasalukuyan, walang gumagamit nito kaya pinutol na ang linya mula rito sa establisyimento patungong kontador. 

Trending

‘Wag n'yo akong patayin!' Pakiusap ng isang rider, kinaantigan

Aniya pa, pangalawang beses na itong nangyari sa kaniyang pamilya ngunit sa pagkakataong ito, hindi na nila ito binayaran. 

“Hind[i] naman naputulan kasi paupahan yan wala na nag rerent kaya pinutol [y]ung line from establishment to contador,” ani Chester. 

Dahil dito, ang ilan pang netizen, hindi napigilang manggalaiti sa naging charge ni Chester sa kanilang electric bill. 

“Di’ba, 0 consumption pero 700+, mga buhay pa sinusunog na kaluluwa nila sa impyerno sa sobrang gahaman.” 

“Partida putol pa yan”

“Ghost billing na din haha”

“Other charges amp hahaha”

“Meralco pinaglololoko niyo mga tao”

Matatandaang ilan pa sa mga kamakailang umalma sa kanilang Meralco bill ay sina Kapamilya star Barbie Imperial, dahil sa halagang ₱18,964.82 kahit na nag-iisa lang daw siya sa kaniyang condominium unit, at ang talent manager at concert producer na si Cacai Mitra, na pumalo sa ₱94,355.21, ang kaniyang babayaran bagama’t “conscious” niyang maituturing ang sarili sa paggamit ng kuryente. 

MAKI-BALITA: ‘Wild!’ Barbie Imperial, nawindang sa kaniyang Meralco bill

MAKI-BALITA: Higit ₱94k ba naman! Meralco, nagsalita sa pagpalag ni Cacai Mitra sa bill