Isang minor phreatomagmatic eruption ang naganap sa Main Crater ng Bulkang Taal dakong 2:34 ng hapon ngayong Hunyo 30, 2026, ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa ahensya, tumagal ng apat at kalahating minuto ang pagputok ng bulkan batay sa kanilang seismic, infrasound, at visual observations.
Binubuo ang naturang kaganapan ng tatlong pulses na nagbuga ng abo at steam-rich plumes na umabot sa 1,200 metro ang taas mula sa bunganga, dagdag pa ng PHIVOLCS.
Samantala, nananatiling umiiral ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal.