TINUTUTUKANG matapos ni Yul Servo, Manila Representative ng 3rd District ang ipinapatayo niyang dagdag na dalawang gusali (isang 4-storey-28 classroom building at isang 4 storey-12 classroom building) sa paaralan ng Mabini Elementary School na para naman sa Juan Sumulong Elementary School ngayong buwan ng Marso matapos isagawa ang matagumpay na groundbreaking ceremony at unveiling.

Bahagi ito ng Local Infrastructure Program ng gobyerno sa dalawang paaralan ng ikatlong distrito ng Maynila. Kasamang dumating sa pasinaya ang mga punongguro ng mga nabanggit na paaralan na sina Gng. Maritess Labarguez at G. Andres Pelayo at iba pa.

Dumalo rin sa ground breaking ang mga punong barangay, kagawad at mga opisyal ng ikatlong distrito, mga kawani ng Department of Education (DepEd) na sina Gng. Lolita Rabago at G. Virgilio Santos, at mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Kasama rin sa programa sina Apple Nieto at Fa Fugoso.

Labis ang pagpapasalamat ng mga estudyante at guro ng mga nabanggit na paaraalan para sa naturang proyekto.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang nauna nang nagsagawa ng kaparehong programa ang Padre Mariano Gomez Elementary School, Cayetano Arellano High School, Dona Teodora Alonzo High School at Jose Abad Santos High School.

Bukod sa mga paaralan, nagkaroon na rin ng groundbreaking ceremony sa ilang ahensiya para sa bagong mukha ng kanilang gusali tulad ng Justice Jose Abad Santos General Hospital, Binondo at ng Manila Police Station District III, Sta. Cruz, Manila.

Binigyang-diin din ni Congressman Nieto na ang edukasyon ay isang pamana at gabay sa pag-unlad para sa hinaharap. “Itaguyod ang isang bukas na puno ng oportunidad para sa kabataan gaya ng nais ko para sa aking mga anak,” pahayag ni Congressman Yul.

Sa panayam namin kamakailan kay Congressman Yul, ay sadyang makulit siya kaya madali siyang nakakahingi ng budget para sa mga nasabing proyekto.

At kaya hindi niya iniiwan ang pag-aartista ay dahil ang kinikita niya rito ang ginagamit niyang pangtustos sa pangangailangan ng pamilya niya.

Kamakailan nga lang ay napanood si Yul sa Ipaglaban Mo kasama sina Maricar de Mesa at Sharmaine Buencamino sa episode na “Ingrata”.

-Reggee Bonoan