SA panayam kamakailan ni Karen Davila kay Nadine Lustre sa Headstart ng ANC, nabanggit ng aktres na isa sa kanyang pangarap ay ang makatrabaho niya si Angel Locsin sa isang action film.

“I want to work with Ate Angel in an action film. I loved action movies when I was a kid, until now, actually,” sinabi ni Nadine kay Karen.

Nakarating kay Angel ang naging pahayag ni Nadine na nais ng huli na makatrabaho ang bida ng teleseryeng The General’s Daughter.

Sa Twitter post ni Angel, sinabi niyang nais din niyang makasama si Nadine sa isang action film.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“ T h a n k s N a d i n e ! GAAAAAAME! Congratulations in advance sa Ulan! Exciting!” tweet ni Angel.

Kilala at bihasa si Angel sa mga action films. Sa katunayan, nagbida siya sa ilang action serye ng Kapamilya network, gaya ng Lobo at La Luna Sangre, at maaaksiyon din ang mga eksena niya sa The General’s Daughter.

-ADOR V. SALUTA