HINDI napigilan ni Jessa Zaragoza ang sarili na i-post sa Instagram ang pambu-bully ng ilang netizens sa kaisa-isa nilang anak ni Dingdong Avanzado na si Jayda Avanzado.

Jayda Avanzado copy

Dalawang netizens ang nagbanta sa buhay ng 15-anyos na dalagita sa pamamagitan ng Twitter.

Base sa profile at posts ng dalawang netizens— na may handle name na @iam_sandra08 at @ neera22621829—mukhang tagahanga sila ng 18- anyos na Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sa isang post, may isang netizen na nagpa-survey kung sino raw ang mas “havey” kina Ylona Garcia, 17, at Jayda.

Sa comments, sinabi ni @iam_sandra08: “Kill that girl na manggagaya.”

Sagot naman ni @neera22621829: “Original vs imitate.”

Nitong Huwebes ng gabi, March 7, isang mahabang post ang ibinahagi ni Jessa sa Instagram, Facebook, at Twitter. Dito ay pinagsabihan ng singer-actress ang dalawang bashers na hindi tama ang kanilang ginagawa.

Sa mga ibinahaging screenshots ni Jessa, mababasa ang mga mensaheng ipinadala ng nasabing bashers kay Jayda mismo via direct messaging sa Instagram.

Masyadong below the belt ang mga ginamit na salita ng dalawang bashers. Minura, sinabihang manggagamit, at pangit daw si Jayda, na “nilalandi” raw ang idolo nilang si Darren.

Caption ni Jessa: “Pinag-isipan ko muna ito nang ilang araw bago ko ito ipinost. ‘Di na nga lang sana, pero tuloy pa din kayo sa ginagawa n’yo kay Jayda.

“Naisip ko, talagang sumobra-sobra na kayo. Pinagpasensiyahan na nga lang naming mag-asawa ‘yung mga kung anu-anong ipinapadala n’yong direct msgs kay Jayda. Below the belt na mga tira, pangungutya, ilang beses na din nakatanggap ng ‘P***ngina’ ‘yung anak namin sa inyo.

“Never namin minura ang anak namin. Pero kayo, wagas ang pagmumura n’yo kay Jayda. Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin. Ganun kalalakas ang loob nyong gumawa ng ganyan.”

“I’d like to call your attention @iam_sandra08 (sa Twitter, hindi sa IG). Itong tweet mo sa Twitter sa account ng anak naming si @jayda, kausap mo ang kaibigan mo, si @nera22621829. Mga iha, titigan n’yong mabuti ‘yung pictures na ipinost ko. ‘Tweet’ n’yo yan sa anak namin, si Jayda.

@iam_sandra08 iha? Sabi mo sa tweet ‘KILL THAT GIRL’.

“Tweet mo ‘yan, although alam ko binura mo na. Ikaw ang nag-tweet nyan. Gusto mong mamatay ang anak namin? O gusto mong ipapatay, iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinaggagawa mong ganito?!

“Di ba ga-graduate ka na? Alam ba ng iyong paaralan na ganito ka magsalita? Tweet mo ito, iha, tweet na sinend mo sa ‘nag-iisa naming anak’, si Jayda.

“@iam_sandra08 Kayo ba ng iyong kaibigan na si @ nera22621829 ay talagang wala ng kinatatakutan? Kung ‘di kayo takot sa mga magulang n’yo, ‘di na ba uso ang ‘Diyos’ sainyo??!! #Stopthiscyberbullying #notocyberbullying.”

-Ador V. Saluta