PERSONAL na ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta para masiguro ang tagumpay sa ilalargang 22nd BRAVE mixed martial arts sa Marso 15 sa MOA Arena.
Sa pakikipagpulong ni His Royal Highness Sheikh Khalid bin Hamad Al Khalifa, First Deputy President ng Bahrain’s Supreme Council for Youth and Sports at founder ng Brave Combat Federation, kay Pangulong Duterte nitong Miyerkule sa Malacanang, ibinigay ng Chief Executive ang kasiguraduhan na matagumpay na maidaos ang torneo sa bansa.
“We will support the 22nd BRAVE in the Philippines,” paniniguro ng Pangulong Duterte nang makausap ni HH Shaikh Khalid bin Hamad Al Khalifa, President ng Bahrain Athletics Association (BAA) at Honourary President of Bahrain Mixed Martial Arts.
“Our Aim is to open new bilateral horizons in the area of sports,” pahayag naman ng Bahrain prince.
Ipinarating din niya ang mensahe ng pasasalamat mula kay HM King Hamad bin Isa Al Khalifa, ang hari ng Kingdom of Bahrain.
"We are delighted to be in the friendly Republic of the Philippines, a country that is extraordinary and unique and has a strong relationship with the Kingdom of Bahrain in various fields. We are here today to underscore the depth of this relationship and seek its growth in the form that serves both countries and peoples, especially in the field of sports," pahayag ni HM King Hamad bin Isa Al Khalifa.
Sa pangangasiwa ni His Highness Shaikh Khalid bin Hamad Al Khalifa sa Brave Combat Federation (Brave CF) – isang Mixed Martial Arts promotion sa ilalim ng KHK MMA Bahrain – umaning suporta ang BRAVE sa international community na target ba makabuo ng global sports media property na naglalayong pagisahion ang mga bansa para maisulong ang programa para sa mga atleta.
Ang Brave 22: Storm of Warriors ang unang event ng Brave CF, tampok ang duwelo nina Stephen Loman, pagdedepensa ng kanyang bantamweight belt sa ikatlong pagkakataon, laban sa bagitong si Elias Boudegzdame ng France.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang www.bravefights.com/brave-22.