IPINAMALAS ni Filipino Belsar Valencia kahusayan sa kanyang pananalasa sa katatapos na 2019 Edmonton Chess Championship sa Edmonton City, Alberta, Canada.
Ipinagmamalaki ng La Union, giniba ni Valencia si Canadian Jeff Reeve, 1.5.0.5, sa finals, para makopo ang titulo ng Edmonton Chess Championship sa ika-3 pagkakataon. Nakamit niya ang tropeo na may undefeated record.
Naipanalo muna ni Valencia ang kanyang first game match kay Reeve matapos ang 77 moves ng King’s Indian defense fianchetto variation kasunod ng pag draw sa second match matapos ang 41 moves ng Sicilian defense, Najdorf- Adams Attack variation.
Bago makapasok sa finals, kinakailangan munang talunin ni Edmonton, Canada based Valencia sina Yash Darvekar, 2-0, sa Round-of-16, Aaron Sequillion, 1.5-0.5, sa quarter-finals at Peter Kalisvaart, 1.5-0.5, sa semifinals para makapuwersa ng titular showdown kay Reeve.
Ang isa pang Filipino Canada-based na si Zulfikar Sali mula Zamboanga City ay nagbibigay din ng karangalan sa bansa. Nakamit na niya ang Canadian National Master title nitong nakaraang taon, habang nakisalo siya sa 3rd (4.5/6 points) kasama sina International Master (IM) Raymond Kaufman at Davaa-Ochir Nyamdorj sa 2019 British Columbia Open Chess Championship na ginanap nitong Pebrero 16 hanggang 18 sa Executive Plaza Airport Hotel sa Richmond, Canada.